^

PSN Opinyon

Pakialamera kaya tinawag na kawatan!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KUNG ayaw mong mabansagang kawatan, huwag pa-kialaman ang gamit na hindi sa’yo.

Naiwang bag ng seaman sa grab car, hindi lang pinakialaman, inuwi pa nitong ginang na nagmamay-ari ng isang maritime agency.

Sinita siya ng grab driver na ‘wag pakialaman ang bag na naiwan ng pasaherong nauna sa kaniya para sana isauli sa nagmamay-ari. Sinopla pa nitong ginang na operations manager, “siya na raw ang bahala dahil seaman naman ang pasahero.”

Ang pasaherong pobreng seaman na may-ari ng naiwang bag ay naglalaman ng mga dokumento’t pera, natimbrehan na ng grab driver na ang kanyang bag ay makukuha sa tanggapan ni Jessamyn De Vicente. Subalit sa tanggapan ni Jessamyn De Vicente, laking gulat ng seaman na bawas na ang kanyang pera at nawawala ang P39,000.

Dahil dinulog sa amin ang reklamong ito, sinamahan ng BITAG ang mga nagrereklamo sa tanggapan ni Jessamyn. Tinanong siya ng BITAG investigator kung bakit niya dinala ang bag na hindi sa kanya. Ang sagot ng nagmamalaking si Jessamyn De Vicente at ng kanyang abogado, sa korte na lang daw magkita. Ayan tuloy kaya nabansagan siya ng netizens na kawatan.

Nang inere namin ito sa BITAG Live, imbes sa tanggapan namin pumunta ay sa tanggapan ni Tol Raffy sa programa nitong Raffy Tulfo in Action pumunta si Jessamyn para daw magpaliwanag. Ni-refer ni Tol Raffy sa tanggapan namin ang ginang at nangakong pupunta kinabukasan sa BITAG Action Center para makausap  daw ako. Pero tulad ng inaasahan, umiral ang kasinu-ngalingan at hindi ito nagpakita.

Para sa patas na pamamahayag, pinilit pa rin naming makuha ang kanyang panig kaya tinawagan namin ito sa ere sa Kilos Pronto. Imbes na tanggapin ang pagkakataon at sumagot nang maayos, nagalit pa ito, bakit daw sa ere, gusto niya off the air akong makausap.

Kahit sinong huhusga sa pagkakataong binigay namin, magdududa. Mga netizens, tinawag siyang kawatan – hindi na namin kasalanan yan.

Pinagkaloob ng BITAG ang iyong karapatan na marinig, ayaw mo’t andami mo pang satsat. Kaya siguro dapat lang mabansagan kang kawatan – hindi ito sinasabi ng BITAG ha, mga netizens at ‘yung mga nakapanood ang may sabi niyan!

GRAB CAR

MARITIME AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with