^

PSN Opinyon

Criminal record sa jaywalkers

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang bilang ng mga taong naaksidente dahil sa pagtawid sa mga ipinagbabawal na lugar.

Nagpapakita ito ng kawalan ng disiplina nating mga Pinoy. Nagtayo na nga ng mga foot bridge para maiwasan ang pagtawid sa mga abalang lansangan, pilit pang tuma­­tawid sa daan ang marami.

Minsan nga ay naglagay pa ng billboard na doo’y nakasulat “Bawal tumawid, nakamamatay” pero sige pa rin ang mga taong matitigas ang ulo. Kapag nabundol o nasagasaan, ang pobreng driver ng sasakyan pa ang nadedemanda at nagbabayad ng danyos.

Kapag minalas at namatay ang biktimang lumabag sa batas, ang driver ay mabilis arestuhin at isasakdal ng reckless imprudence resulting into homicide. Magbabayad pa ng danyos perhuwisyo.

Pero kung tutuusin, maingat naman at maayos magmaneho ang driver, kaso, may bigla na lang tumawid sa kan­yang harapan. Wala ako makitang kasalanan ni Mamang Tsuper.

Palagay ko, dapat gumawa ng batas na magpapawa­lang sala sa driver na makakasagasa sa mga lugar na itinakdang bawal ang pagtawid. Maganda ang proposal ng Metro Manila Development Authority. Magkakaroon ng cri­minal record ang sino mang makakasuhan ng jaywalking­. Tama. Marahil, marami na ang natatakot mag-jay­walking dahil mahihirapan silang kumuha ng NBI clea­rance.

Isama na rin marahil ang mga minor offense gaya ng littering at iba pang kahiya-hiyang gawi ng mga kababa­yan natin para luminosity ang kapaligiran. Minsan kasi inaakala ng iba na maliit na pag laban lamang ang ginagawa nila kaya puwede nang gawin. Masagwang siste!

JAYWALKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with