^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Aroganteng mambabatas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Aroganteng  mambabatas

HANGGANG ngayon, mainit pa ring pinag-uusapan ang pambubugbog ni Iloilo Representative Richard Garin kay PO3 Federico Macaya. Hindi mamatay-matay ang isyu kahit nag-apology na ang mambabatas. Parang apoy na kumakalat ang ginawa niya na nagpakita ng kagaspangan ng ugali sa harap pa mismo nang maraming tao. Natatak na  sa isipan nang marami ang kanyang pagiging arogante.

Bukod sa pagsipa at pagsuntok, dinuraan pa ni Garin si Macaya habang nakaposas ito. Nang­yari ang insidente noong nakaraang Miyerkules sa Guimbal town plaza sa harap nang maraming tao. At ang masaklap pa, tumulong sa pambugbog ang ama ni Garin na si Guimbal mayor Oscar Sr.

Ayon sa report, kinumpronta umano ng mag-ama ang pulis kung bakit hindi nito sinampahan ng kaso ang isang teenager na anak ng isang konsehal na nasangkot sa isang kaguluhan. Makaraan iyon, dinisarmahan umano ni Garin ang pulis, pinosasan, binugbog at dinuraan. Wala namang ginawa ang hepe ng Guimbal police. Hinayaang bugbugin ng mambabatas ang kanyang pulis. Sinibak na ni PNP chief Oscar Albayalde ang hepe. Humingi naman ng reassignment ang 28 pulis ng Guimbal.

Nakakadiri ang ginagawa ng kongresista na hindi na nasiyahan sa pambubugbog at binigyan pa ng bonus na dura ang pulis. Nakakababa nang pagkatao yung maduraan ka ng kapwa. Para bang ang tingin mo sa sarili ay kawawang-kawawa. Kaya may mga taong nagdidilim ang paningin at nakagagawa nang masama dahil masyadong inapi at kinawawa. Paano kung dinuraan pa. Sobra ang ginawa ng kongresista na hindi kanais-nais lalo pa’t inihalal siya ng taumbayan.

Humingi ng apology si Garin sa PNP at sa publiko dahil sa nagawa. Sinabing ang aksiyon niyang iyon ay dahil sa kabiguan ng pulis na magawa ang tungkulin para sa mga  taga-Guimbal. Isinurender din nila ang mga baril na nakaregister sa kanilang pangalan na natuklasan naman ng PNP na expired na.

Naging arogante ang kongresista. Kung nagawa niya ito sa isang pulis, maaari rin niyang magawa sa sibilyan. At ano ang laban ng sibilyan sakali at siya ang nabugbog ng kongresista? Wala na. Tatahimik na lang dahil nasa kapangyarihan ang gumawa. Hindi sapat ang paghingi ng sorry sa nagawa ng mambabatas. Dapat siyang imbestigahan ng Kongreso.

FEDERICO MACAYA

RICHARD GARIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with