^

PSN Opinyon

Tips para gumanda

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMING skin experts ang nagsasabing mapagaganda nila tayo. Ngunit kadalasan ay mahal ang ating gagastusin. Dahil dito, nagsaliksik ako ng mga simple at matipid na paraan para tayo’y gumanda.

1. Huwag magpaaraw – Alam kong marami sa ating kabataan ang mahilig magtungo sa beach, pero masisira ang inyong kutis. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light. Umiwas din sa mga sports na laging bilad ka sa araw. Huwag magpa-araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

2. Gumamit ng sunblock – Payo ng dermatologists ang paggamit ng sunblock araw-araw. Hanapin ang sunblock na may nakasulat na SPF 15 o 30. Bilang dagdag proteksyon, puwedeng mag-payong, mag-sombrero o magtakip ng folder sa mukha.

3. Umiwas sa usok at alikabok – Kapag nag-commute ka mula Pasay hanggang Fairview, naku, parang umitim ka na sa usok. Titigas ang buhok niyo sa alikabok. Kung may budget, mag-aircon bus na lang o magtakip ng mukha.

4. Ihinto ang paninigarilyo at pag-inom ng alak – Ang paninigarilyo ay nakatatanda sa ating mukha. Ang alak naman ay nakapagpapakulubot din ng balat. Hihina ang iyong resistensiya at babagsak ang iyong katawan.

5. Maligo araw-araw - Gumamit ng sabon at maraming tubig pang-banlaw para tiyak na malinis ang katawan. Maganda ang mild soap tulad ng Johnsons at Dove. Ma­inam ding maligo bago matulog. Sa ganitong paraan,  hindi kakalat ang dumi mula sa buhok papunta sa mukha na puwedeng magdulot ng tagihawat.

6. Uminom nang maraming tubig – Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang iyong balat. Nakakita ka na ba ng batang nakulangan sa tubig? Biglang lumulubog ang kanilang mukha.

7. Magbawas ng stress – Ang madaling magalit ay mabilis pumangit di ba? Nagsasalubong ang kilay at nakangiwi ang mga labi. Tumawa ka at ika’y gaganda.

8. Matulog ng 7 o 8 oras – Kailangan mo ang sapat na tulog para hindi magka-eye bags. Sa mga may problema, subukang mag-relax bago matulog.

9. Huwag matulog ng nakadapa – Kapag naipit ang iyong mukha habang natutulog, madali itong magkakalinya. Matulog ng nakatihaya.

10. Mag-lotion sa gabi – May tulong sa pagpapakinis ng mukha ang paggamit ng lotion. Maghugas muna ng mukha, tapos maglagay ng lotion. Hindi naman kailangang bumili ng mamahaling brands.

11. Mag-ehersisyo at magkaroon ng libangan. Ang importante ay masaya tayo para sumigla ang katawan.

12. Kumain nang tama at masustansiya - Kumain ng prutas at gulay na sagana sa vitamins at minerals. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at sitsirya. Sundin ang mga simpleng payo na ito para tayong lahat ay gumanda!

UV LIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with