^

PSN Opinyon

Anti-dynasty huwag alisin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SI dating Chief Justice Reynato Puno ang namumuno sa consultative committee na bumalangkas ng panukalang saligangbatas para sa isang ipinapanukalang Federal System sa ating bansa.

Ang pinakamahalagang probisyon sa balangkas ng karta ay ang anti-dynasty provision na nagbabawal sa mga malalapit na kaanak ng isang nanunungkulan sa pamahalaan sa pagtakbo sa anumang puwesto.

Kahit sa kasalukuyang konstitusyon natin ay may ganyang probisyon pero marami pa ring magkakadugo na sabay-sabay humahawak ng elective position sa pama­halaan. Ngunit bakit hindi nasusunod? Kasi walang ena­bling law para dito. Walang sino mang mambabatas ang nangangahas na magpatibay ng enabling law dahil sa pangambang mawawasak ang kanilang “kaharian.” Kay sagwang sistema.

Ayon kay Puno, mag-aatras siya ng suporta sa pe­de­ralismo kung tatanggalin ang anti-dysnasty provision.

Bilang dating Chief Justice, hinangaan ko si Puno. Tawag ko nga sa kanya ay “may favorite CJ,” na kapag inuungkat ko sa kanya ay bahagya lang siyang napapangiti. Tama siya sa paggigiit sa pagkontra sa dynasty dahil ito’y ugat ng maraming uri ng korapsyon sa bansa.

Komo ang mga nanunungkulan ay magkakadugo, pu­wede silang magsabwatan sa paggawa ng kabalbalan.

Sana nga ay huwag masilat ang anti-dynasty provision sa panukalang konstitusyon para ipakita sa taumbayan na ang isinusulong na Federal System ni Presidente Duterte ay may sinserong layuning repormahin ang sistema ng pamahalaan sa bansa para sa kapakanan at pakinabang ng sambayanang Pilipino.

vuukle comment

FEDERAL SYSTEM

REYNATO PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with