PDU30, sinopla ang ‘storyteller’ ng DA!
MISMONG si Presidente Duterte na ang nagsalita sa media. Sabi niya, hindi mangyayari ang rice self-sufficiency ng bansa sa 2020. Pero si Manny Piñol na Department of Agriculture secretary, matigas ang kukote! Pinagpipilitan na magiging sapat ang suplay ng bigas sa pangangailangan ng bansa. Katwiran ni Piñol, kailangan lang daw ng patubig sa pamamagitan ng National Irrigation Administration (NIA) para maisakatuparan ito.
Mister Secretary, nanaginip ka ba ng gising? Panay ka kuda, di mo naman alam pinagsasasabi mo. Para kang may diarrhea sa bibig. Presidente na nga ang nagsabi e, eepal ka pa! Ayan tuloy, dinribol ka ni Digong sa media.
Anong sagot ni Pres. Digong? Istorya lang yan! Aniya, patuloy ang paglobo ng ating populasyon. Dahil sa mabilis na paglaki nito, hindi kayang sabayan at suplayan ang mga sikmura ng mamamayan. Ang dahilan ng problema, mga gahamang bigtime at small time developer sa mga probinsiya. Buying the agricultural land converting them to residential lot, right in the very noses of our agriculture officials. ‘Wag na tayong lumayo, tumbukin na natin ang Bulacan at Nueva Ecija.
Kung gagawa ka ng aerial surveillance noong dekada ‘60 hanggang dekada ’80, malawak pa ang palayan. Pero ngayon halos maubos na ang mga palayan dahil puro na kabahayan sa lugar at nauubos ang lupaing agrikultura sa bansa. Kaya tuloy ‘yung mga anak ng magsasaka, unti-unti na ring nawawalan ng gana.
Siyempre lahat ng ito, bunga ng pagiging ganid ng mga real estate developers. Kung magpapatuloy ito at maubos ang mga palayan, ano pa’ng tataniman ng mga magsasaka? Kung wala nang itatanim, ano naman ang ating kakainin? Sige nga!
Hamon ko ito sa iyo, Sec. Manny Piñol. Imbes na pagtuunan mo nang pansin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD, gumawa ka ng sarili mong proyekto. Kung talagang mainit ang dugo mo rito, bakit ‘di mo gawing inspirasyon? Bakit hindi mo suriin na magkaroon ng subsidiya para sa mga mahihirap na magsasaka, kahalintulad ng 4P’s? Bigyan sila ng mga binhi at pataba. Suportahan ang mga magsasaka ng pautang sa government owned bank na may mababang interes. Kung ako nga ang masusunod, mas makakabuti pang gawing magsasaka itong mga miyembro ng Kadamay sa Maynila. Pauwiin sa kani-kanilang probinsiya at doon sila magkamkam ng mga lupang nakatiwangwang at taniman nila. ‘E di may pakinabang pa sila!
Be aware. Be informed. Do not be left behind! Get it straight from Ben Tulfo at BITAG Live, daily, 8-9:00 am at PTV4 simulcast via Radyo Pilipinas and livestreaming via BITAG live facebook page and BITAG Official YouTube page.
- Latest