^

PSN Opinyon

AGMA - MCI Alumni Pres. Atty. Biyong Garing

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Ibinuyangyang ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng AGMA - MCI Alumni Association Inc., o Agustin Gutierrez Memorial Academy, formerly Mindoro Central Institute, na may Grand Alumni Homecoming sila sa April 15, 2017, Black Saturday,  AGMA-MCI Alumni Multi-Purpose Gym,  Naujan, Oriental Mindoro. 

Sabi nga, ilang tulog na lamang!

Ibinida ni Atty. Biyong Garing, magsisimula ng 7am hanggang magsawa este mali hanggang gabi pala ng Abril 15, ang bonggang celebration day.

Bukod sa ‘ballroom dancing’ may parada sa umaga ang mga taga - AGMA-MCI Alumni Association, Inc., pagkatapos ng parada tsibugan umaatikabo sa tanghalian with matching pa raffle, pagkatapos nito ay may pa Bingo at may malalaking pa premyo habang nagbubolahan ay may pa raffle ulit at sa gabi, sayawan blues naman.

Para sa mga karagdagan impormasyon,  makipag-ugnayan lamang kay Atty. Biyong sa tels.5341754 at 5349359.

Sabi nga, kita, kits!

Oplan lakbay-bakasyon ikinasa na sa NAIA

Pinaghahandaan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang pagdagsa ng mga pasaherong aalis at darating sa paliparan kaya naman kahit may lack of manpower sa paliparan sa isyu ng pagtatanggal ng overtime allowance nila naisip ni Red Marc Marinas, hepe ng BI-port operation na gumawa ng contigency plans para masiguro ang kaayusan at hindi magkaroon ng matinding aberya  sa ‘immigration clearance’ ng mga pasahero todits.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami sa mga immigration officers sa NAIA lalo’t mga bago ang bumitaw na sa puesto at lumipat nang ibang hotraba samantala ang iba sa mga ito ay nag-file naman ng leave of absence dahil sa hindi pagbabayad sa kanilang ng overtime pay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang overtime allowance na inaasahan ng mga immigration ay pinahinto ng DBM sa utos umano ni Secretary Diokno at huwag na silang bayaran.

Bakit?

Sagot - illegal daw kasi ang OT nila?

Kambiyo issue, tiniyak ni Marinas na hindi magkakaroon ng aber­ya o paghaba nang pila ng mga pasahero sa NAIA kahit na may malaking shortage sila sa manpower.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ni Marinas, lahat ng BI-NAIA terminal head supdrvisors, deputy head supervisor, deputy Immigration supervisor, Travel Control Enforcement Unit (TCEU), Supervisor/Officers at members ay kabilang sa ‘contigency plan’ ngayon para sa ‘oplan lakbay-bakasyon’ at sa Semana Santa.

Ayon kay Marinas, pinakiusapan niya ang mga ito bago siya maglabas ng memorandum para tumulong sa maaring maging problema sa susunod na buwan oras na dumagsa sila sa NAIA.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa parte ng MIAA bumuo si MIAA general manager Ed Monreal ng ‘management team’ na kinabibilangan  ng mga airport managers na  personal na magbabantay sa operasyon at biyahe ng mga eroplano para nga sa tinaguriang ‘oplan lakbay - bakasyon.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, red alert ang PNP - Aviation Security Group at Airport Police para magmanman sa madlang people sa loob at labas ng NAIA para maiwasan ang pananamantala ng mga kriminal na mambibiktima sa airport.

Ibinida ni Monreal, na pinulong na rin niya ang medical staff at mga taga - public affairs office para tumulong sa mga pasaherong magkakaroon ng aberya habang sila ay nasa paliparan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kabisado ni Monreal ang maaring mangyari sa NAIA oras na dagain este mali dagsain pala ito ng mga pasahero ngayon bakasyon kaya naman habang maaga pa pinaghahanda na nila ang lahat ng security measures, medical measures, traffic measures, additional information desk at mga signage para magkaroon ng magandang coordination sa pagitan nila at madlang passengers.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ikinakasa ng mas maaga ni Monreal, ang mga panuntunan para sa pagpapaigting ng seguridad sa mga terminals ng NAIA, upang panatilihin ligtas at hassle free ang mga pasaherong sasakay dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipapatupad ni Ed ang  ‘no leave policy’ sa mga security personnel na ikakalat sa panahon ng Semana Santa sa NAIA siempre kasama rito ang MIAA medical staff na tutulong sa mga pasaherong magkakaroon ng karamdaman.

Tirada ni Monreal, pupulungin na rin niya ang mga airlines companies para magdagdag ng mga tauhan na tutulong sa mga airlines counters nila para maiwasan kahit papaano ang mahabang pila ng mga pasahero.

Pinapayuhan ni Monreal, ang mga pasaherong pupunta sa NAIA na agahan ang pagpunta dito para maiwasan ang trapik sa mga kalsada kaya dapat planuhin ng maaga ang lakad upang hindi na rin magkaroon ng mga problema papuntang airport.

Tinagubilinan din ni Ed ang kanyang apat na terminal managers na inspeksyunin at panatilihin malinis ang paligid at ‘toilet’ sa apat na terminals.

Abangan.

BIYONG GARING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with