^

PSN Opinyon

Tamang diyeta sa iyo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KARUGTONG ito ng nauna kong artikulo tungkol sa pagpapapayat. Sundin ang mga payong ito:

l Kumain ng madalas pero pakonti-konti. Huwag kalimutan ang agahan. Ang sikreto ay konti lang ang iyong kakainin. Sa meryenda, puwedeng 1 saging o mansanas lang. Sa tanghalian at hapunan, puwedeng 1 cup rice, gulay at isang ulam lang. Huwag hintayin ang gutom bago kumain.

l Masama ang “Crash Diet” o biglang ginugutom ang sarili. Kaya mo itong gawin ng 3 araw, pero pagkatapos, babawi na ang iyong katawan. Babalik ang dati mong timbang. Ayon sa pagsusuri, ang crash diet ay nagpapa­ikli ng buhay ng 5 years. Magbawas lang ng 1-2 pounds bawat linggo.

l Kumain ng mga gulay at prutas na maraming fiber tulad ng pechay, kangkong, okra, sitaw, ampalaya, carrots, mansanas, peras at saging. Mabilis makabusog ang mga pagkaing mataas sa fiber. Hindi nakatataba.

l Dalawa lang ang bawal: Matatamis at matataba. Umiwas sa matatamis na pagkain tulad ng icing ng cake, halo-halo at mga juice na nasa lata. Magbawas din sa mga baboy at baka na maraming taba.

l Umiwas sa junk foods. Huwag mag-stock ng sitsirya sa bahay. Mataas sa asin at walang sustansya ang sitsirya.

l Sa fast-foods, subukan ang Kenny Roger’s Roast Chicken, Bodhi Vegetarian Food, at Subway Sandwiches. Ang roasted chicken ng Kenny Roger’s ay natanggalan na ng mantika. Paborito ko iyan. Healthy din ang vegemeat at gulay sa Bodhi. Nakakabusog at mababa sa calories.

l Sex bilang ehersisyo. Kadalasan, ang gusto ng lalaki ay 5 minuto lang sa sex. Mga 30 calories lang ang matatanggal sa iyo. Kapag magtagal ka ng 30 minutos, 250 calories ang mababawas. Masaya ka na, papayat ka pa!

l Uminom ng multivitamin kapag nagdidiyeta. Kalaha­ting tableta ng multivitamin ay puwede na. Kung walang pera, kumain ng 2 saging araw-araw. Maraming vitamins na iyan.

l Bumili ng timbangan. Alamin ang timbang araw-araw. Kapag tumataas ang iyong timbang, magdiyeta na. Kapag bumababa na ang timbang, ituloy ang ginagawa para mapanatiling mababa ang timbang. Kailangan ng willpower para pumayat. Good luck sa inyo!

CRASH DIET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with