‘Scripted’
HINDI ko rin maintindihan kung bakit pinapatulan ni VP Leni Robredo ang isyung buntis siya.
Ang kanyang sinisising nagpakalat, ang nakatunggali sa pagka-bise na si Sen. Bong-Bong Marcos.
Pilit kinokonekta ang isyu sa mamang taga-Ilocos. Nakaturo agad ang kanyang daliri sa kabila ng pananahimik ng dating mambabatas. Gagawin daw kasi ni Marcos ang lahat para maagaw sa kanya ang vice presidency.
Hindi ko ipinagtatanggol si BBM. Pero anong mapapala niya kung ipapakalat niyang buntis ang Vice President? Sa dinami-dami ba namang mas kapaki-pakinabang na isyu pagtutuunan niya pa ito ng pansin?
May dipresenya na lang siguro sa pag-iisip ang gumawa ng kuwento. Una, isang 52-anyos na biyuda, mabubuntis?
Pangalawa, kung talagang ikaw ang pangalawang pangulo, tatawanan mo lang at hindi na palalakihin pa ang isyu. Who cares about you being pregnant?
Naglalaro tuloy sa isipan nang marami, gawa-gawa lang ng PR group ni Robredo ang isyu para mapag-usapan siya at makuha ang simpatya ng tao.
Itinitiyempo sa pag-apela ni Marcos ng VP vote recount. Sorry ka na lang, paniwala ng mama, dinaya siya at siya dapat ang nakaupo sa puwesto mo ngayon.
Tatlong bagay lang. Kung ikaw ay maliit na tao sa lipunan iisiping ang isyung ito ay kalokohan. Sa mga average, katawa-tawa. Pero para sa mga edukado at entelihente ito ay isang desperadong hakbang ng VP.
Unsolicited advice po, Madame Robredo siguro dapat sibakin mo na ang PR group mo. Gagawa na lang din ng istorya, kakaning-baboy pa.
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.
- Latest