^

PSN Opinyon

VK at shabu

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHIRAPAN at kriminalidad ang nais baguhin sa ating bansa kung kaya si Mayor Rodrigo Duterte ang napili ng milyon-mil­yong kababayan. Kasi nga kung sa Davao naging displinado ang mga residente roon dahil lahat ng mga ipinagbabawal ng batas ay ipinatutupad ni incoming President Rody kaya naman umaasa ang sambayanan na maipapatupad na rin ito sa buong bansa. Sa Davao, bawal ang paninigarilyo sa matataong lugar, may curfew sa mga kabataan, hanggang ala-una ng madaling araw ang inuman at bawal ang magnanakaw at droga. Ngunit sa pag-upo ni President Rody sa Hulyo mawa­wakasan na kaya ang pamamayagpag ng mga video karera/fruit game machine sa Metro Manila at ilang lalawigan na sumi­sira sa pag-aaral ng mga kabataan? Kasi puro ningas­ kugon ang aksyon ng pulisya laban sa salot na makina. Marami nang nagumon sa droga dahil ang kakambal ng VK ay shabu. Squatter areas ang puntirya ng VK operators na protektado ng ilang tiwaling pulis at barangay officials.

At upang hindi na mahirapan si President Rody sa pag­hagilap sa mga lugar nina Gina Gutierrez, Boboy Go at SPO2 Rogilio Esteban, alias Satcho narito ang kanilang mga balwarte. Sa Tondo, mahigit 800 makina ang ipinakalat ni Gina Gutierrez bukod pa riyan ang mga naka-umbrella na makina ng ilang tiwaling pulis. Sa Pandacan, isang bagitong pulis ang nagmimintina ng mga salot na makina. Ang salot na makina ni Satcho ay nakakalat naman sa Laguna kaya naglipana ang mga adik doon. Ang kay Boboy Go naman ay nakalatag sa Angeles, Pampanga, Malabon at ilang lungsod pa na sakop ng Northern Police District. Talamak din ang droga sa lugar kaya tumataas ang kriminalidad. Tips ito na galing sa mga residente na naghahangad ng pagbabago, sawang-sawa na sila sa ningas kugon ng pulisya. Kung sabagay may katwirang magreklamo ang mga residente dahil  bukod sa napapariwara ang pag-aaral ng kanilang mga anak nagiging bayolente pa ang ilan dahil sa pagkagumon sa droga. Kaya nais nilang matul­dukan ang mga salot na makina at paglipana ng droga.

Samantala, nakakuha na naman nang malaking padrino sina Roy Atienza at Marissa sa Manila City Hall, mantakin n’yo mga suki, nakapaglatag na naman sila ng kanilang color games diyan sa Ilaya, Divisoria, he-he-he! Ang nabibiktima nila sa kanilang “moro-morong” sugal ay ang sidewalk vendors at pe­dicab drivers na nangungutang ng “5-6” sa Bombay. Mukhang may kalalagyan sina Roy at Marissa sa pag-upo ni President Rody dahil galit ito sa “5-6”. Get n’yo mga suki! Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with