^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mahiwagang Bilibid

Pilipino Star Ngayon

LABINDALAWANG beses nang sinasalakay  ang mga dormitoryo at “kubol” sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at palaki nang palaki ang mga nakukimpiska. Nang salakayin noong Miyer­kules, isang hand-held VHF (very high frequency)­ radio ang nakumpiska sa isa sa mga “kubol” ng inmate. Sabi ni NBP Superintendent Richard Schwarzkopf, sa pamamagitan ng radio, namo-monitor sila ng inmate at naririnig ang anumang pinag-uusapan kabilang ang mga gagawing pagsalakay. At dahil naririnig ang mga gagawing pag-raid, agad na naitatago ang mga kontrabando.

Bukod sa radio, nakakumpiska rin ng isang caliber .45 pistol, 29 na patalim, isang laptop, dalawang internet modems, tatlong game consoles, tatlong voltage regulator, 21 DVD players at pitong color TV.

Ano pa ang susunod na makukumpiska sa mga dormitory at kubol sa Bilibid? Tiyak na marami pa dahil namo-monitor pala ang mga gagawing pagsalakay. Baka nga hindi lang isang VHF radio ang nakatago sa NBP kundi marami pa. Naitago nga lang bigla nang marinig ang pagsalakay.

Nakapagtataka naman ang pasya ng NBP offi­cials kung ano ang gagawin sa mga nakumpiskang kontrabando. Ayon sa report, isasauli raw sa mga pamilya ng bilanggo ang mga nakumpiska. Nakatambak lang daw ang mga nakumpiska.

Bakit isasauli ang mga nakumpiska? Di ba mga katibayan ang mga ito? Mahigpit na ipinagbaba­wal ang pagpapasok ng mga kontrabando sa loob? Isang malaking kahangalan ang naisip ng NBP offi­cials na pagsasauli sa mga kontrabando. Dapat magmuni-muni ang mga namumuno sa NBP.

Marami pang makukumpiska sa NBP kahit na araw-araw ang gawing pagsalakay. Hindi mau­ubos. Marami pang nakabaon kahit sa suwelo.
Ang nakapangangamba ay baka marami pang baril na nakabaon at biglang magsagawa ng pagtakas ang mga bilanggo. Kayang-kaya nilang gawin iyon sapagkat mas matataas pa ang kalibre ng baril kaysa jailguards.

Isang paraan para matigil ang pagpapalusot ng mga kontrabando ay palitan lahat ang guwardiya at palitan ng sundalo. Kahit na mag-raid nang magraid ang BuCor at NBI sa NBP, walang mangyayari dahil mga corrupt ang jailguards. Palitan ang mga buwayang guard.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

AYON

BAKIT

ISANG

MARAMI

MGA

NBP

NEW BILIBID PRISON

SUPERINTENDENT RICHARD SCHWARZKOPF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with