^

PSN Opinyon

Bonggang Christmas party

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG naghahalukipkip man sa gutom at lamig itong ating mga kababayan sa mga lalawigan ng Northern Samar, Sorsogon, Mindoro, Albay, Aurora Province, Nueva Ecija, Bulacan at Pampanga matapos na salantain ni Bagyong Nona abay, super bongga naman ang Christmas party ng mga smuggler sa bakuran ni Bureau of Customs Commissioner Alberto Lina. Sa pagtaya kasi ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama umaabot sa P3 bilyon na ang pinsala sa mga pananim at kabahayan na kung saan umabot na rin sa 40 ang patay sa hagupit ni Nona. Mabagal din ang ayuda ng DSWD at mga Local Officials na kahalintulad sa pagkilos nila noong manalasa ang Bagyong Yolanda ng 2013. Kasi nga sa tingin  nitong aking mga kausap, may kulay politika ang pamumudmod ng mga relief goods at  financial assistances na walang pinagkaiba sa dinanas ng mga Yolanda victims. Ngunit ang Christmas Party ng mga nasa Aquino Administration ay super bongga ang handaan at umaatikabong halakhakan dahil sa malalaking paprem­yo sa raffles. Hehehe! Ang masakit mukhang hindi nagbibiro itong mga businessman na itaas nila ang presyo ng mga bilihin. Kasi nga may sindikato na namang umusbong diyan sa bakuran ni BOC Comm. Lina na ang tinutukoy nitong aking mga kausap ay ang Terminal Appointment Booking System. Nagkakaroon umano ng hokus-pokus sa Booking sa Asian Terminal Inc., na kung saan kinukopo ng mga malalaking Customs brokers o smugglers ang mga slots kaya ga-hibla na lamang ang tsansa ng mga maliliit na Brokers. Ang siste mga suki ay ganire, ang booking slots ay 2,000 container kada araw na ang 500 dito ay kinopo na ng isang Big Brothers bukod pa ang kina Big Mama na super lakas sa administrasyon ni Comm. Lina. Limitado rin ang oras ng scanning dahil hanggang ala-5:00 ng hapon lamang ang operasyon nito kung kaya ang mga maliliit na brokers ay hindi na natutulog sa pagpila sa kanilang slots at bumabayad ng may P 1,500 o higit pa. Maging ang mga security guard sa South Harbor ay may raket din na pansarili katulad ng pila ng trucking na kailangan sa loob ng 3 oras ay nakapila na itong mga truck dahil oras na maantala ito sa sobrang trapik tiyak na maiibalido ang slots nito sa pagkarga ng kargamento. Dito na tumataas ang trucking fees ng mga maliliit na brokers na ipapatong sa mga negosyante kung kaya ang presyo naman ng mga bilihin sa mga pamilihan ay mapipilitang itaas. Sino ang babalikat nito siyemre di ba tayong mga kumakalam ang sikmura, ika nga’y mga isang kayod isang tuka na mamamayang Pinoy. Kaya ang panawagan nitong aking mga kausap diyan sa South Harbor kay Comm. Lina, repasuhin n’yo itong pinaiiral ng ATI dahil bukod sa wala itong bidding may inilalabag din ito sa Customs Laws. Kailangan pa bang magsagawa muli ng pagkilos protesta itong mga maliliit na brokers, trucking companies at mga Businessmen sa kaharian mo Comm. Lina? Kung nais mong makatulong sa ekonomiya ng bansa ngayon pa lang kumilos ka sa pagbalangkas sa mga bago o muro-murong reglamentong ipinaiiral sa TABS. Abangan!

vuukle comment

ANG

AQUINO ADMINISTRATION

ASIAN TERMINAL INC

AURORA PROVINCE

BAGYONG NONA

BAGYONG YOLANDA

BIG BROTHERS

BIG MAMA

BUREAU OF CUSTOMS COMMISSIONER ALBERTO LINA

MGA

SOUTH HARBOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with