^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Dagat ng shabu

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Dagat ng shabu

SABI ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), wala na umanong shabu laboratory sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa maigting na kampanya nila laban sa illegal na droga. Ang ginagawa raw ngayon ng sindikato ng droga ay ipinaaanod na lamang ang kanilang produkto sa dagat at saka sasagipin ng mga kontak nilang tao.

Maaaring may katotohanan ang sinabi ng PDEA sapagkat wala na ngang napabalitang shabu lab na sinasalakay ngayon. Pawang ang mga nakukumpiskang shabu at iba pang droga ay idinadaan sa dagat. Mayroong inilulusot sa NAIA pero nahuhuli rin ng mga awtoridad. Pinakabagong paraan ay ang paghahagis ng shabu sa dagat at saka sasagipin ng mga kontak. Dagat ang naisip na paraan ng drug syndicates para maikalat ang shabu.

Noong Biyernes (Hunyo 20), nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng PDEA ang P10 bilyong halaga ng shabu sa isang fishing vessel sa karagatan ng Zambales. Nakalagay sa 50 sako ang shabu na tumitimbang ng 1.5 tonelada. Ayon sa PN, ito ang pinakamalaking huli nila sa kasaysayan ng Philippine Navy. Ang fishing vessels ay minamanduhan umano ng mga dayuhan.

Ayon sa PDEA, maaring ang international ­criminal syndicate na “Sam Gor”, na kumikilos sa Asia-Pacific region ang nasa likod ng nasamsam na shabu.

Noong Hunyo 18, narekober ng mga awtoridad ang P500 milyon halaga ng shabu sa baybaying dagat ng apat na bayan sa Cagayan—Claveria, Gonzaga, Santa Ana at Sta Praxedes.

Noong Hunyo 5, nakasagip ng 21 sako ng shabu na nagkakahalaga ng P4 bilyon ang mga mangingisda sa Pangasinan. Sabi ng PDEA na ang mga sako ng shabu ay nakita ng 29 na mangingisda.

Bago iyon, una nang nakarekober ang mga mangi­ngisda ng 177 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.17 bilyon habang palutang-lutang sa karagatan ng Agno, Bani at Bolinao ng ­Pangasinan. Agad nilang inireport sa mga awtoridad ang shabu.

Sinabi ng PDEA na ang mga nakuhang shabu sa karagatan ay pag-aari ng Chinese triad. Ayon sa PDEA ang mga pakete ay may Chinese markings at signature trade­mark na konektado sa Chinese Drug Triad. Ang triad ay malaking sindikato ng droga na nag-o-operate sa Southeast Asia.

Nakababahala ang paglutang nang maraming shabu sa karagatang sakop ng Pilipinas. Maaring hindi lang sa karagatang sakop ng Cagayan, Pangasinan, Zambales at Ilocos Sur lulutang-lutang ang shabu kundi sa mara­ming lugar pa.

Paigtingin ng Philippine Coast Guard ang pagbabantay sa mga baybayin para malaman kung sino ang nagpapaanod ng mga shabu sa dagat. Bigyang halaga naman ang ginagawa ng mga mangingisda na naka­lam­bat sa shabu.

DRUGS

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with