^

PSN Opinyon

Laban ni Poe

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

“HINDI pa tapos ang laban!” Ito ang pahayag ni Sen. Grace Poe ukol sa disqualification case niya sabay pangakong ilalaban niya ang karapatan ng sambayanan sa pagpili ng kanilang sunod na presidente. Hindi natatakot si Poe na labanan ang mga puwersa na gustong harangan ang pagtakbo niya sa pagka-presidente, lalo na’t ang sambayanan ay nasa likod niya. “Ito ay laban natin. Hindi ko makayanan ito kung nag-iisa lang ako. Kaya’t magsama-sama tayo at tahakin natin ang tamang landas tungo sa tagumpay,” panawagan ni Poe sa kanyang supporters. Malakas ang paniwala ni Poe na ang disqualification cases na isinampa laban sa kanya ay gawa-gawa ng mga taong ayaw magtagumpay ang plano n’yang maging presidente. Powerful groups with personal agenda are behind these cases, aniya sa kanyang Facebook page! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga suki? Dahil sa sitwasyon ni Poe sa ngayon, umalsa ang iba’t ibang grupo na sumusuporta sa kandidatura niya at hiniling noong Dis. 10, ang International Human Rights Day, sa Commission on Elections na itayo ang karapatan ng manok nila lalo na sa aspeto ng rights to nationality, democracy, fair treatment by fair courts, fair play at equality. Napuna ni Jose “Chichok” Samson, spokesman ng Ang Grasya ng Masang Pilipino Movement (AGMPM) na si Poe, bilang foundling ay ginisa nang husto ng batikos matapos ianunsiyo nito ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente. Inakusahan ni Samson ng abuse of discretion ang tatlong Comelec commissioners na nagdiskuwalipika kay Poe dahil sa pagkakapos ng residency requirement. Ayon kay Samson, hindi man lang pinagtuunan ng pansin ng tatlong commissioners ang dokumento tulad ng enrolment ng minor na anak ni Poe noong 2005, ang pagbili ng pamilya ng bahay, ang pagkaroon ng BIR tax account number, ang employment ng kanyang asawa - kung saan nagsaad ang mga ito ng kanilang residency status. Si Samson ay Constitutional lawyer kaya arok n’ya ang mga isyu na lumalabas sa bunganga niya. Ano sa tingin n’yo mga suki? “At the very least, Senator Grace Poe is entitled to her basic human rights for fair treatment by fair courts and in this case, the Comelec, to fair play and quality and not to favor administration candidate so as not to distort the truth and to preserve democracy by giving the sovereign Filipino the right to choose their leader,” ani Samson. Sa kanyang argumento sa kaso ni Poe, inungkat ni Samson ang opinion ni Justice Reynato Puno kung saan sinang-ayunan n’ya si Justice Antonio Carpio (Republic vs. Sandiganbayan) na ang United Nations Human Rights at ICCPR ay dapat ma-apply, kahit wala pang Constitution noong blanko pa ang pamunuan ng bansa noong Feb. 25 hanggang Mar. 25, 1986, o noong panahon ng EDSA People Power. “Without respect for natural rights, man cannot rise to the full height of his humanity. It will be a profanity to deny her the right. For as a human being, she has a natural right to life, liberty and property that she can exercise regardless of existing or non-existing laws and irrespective of the will or lack of will of governments,” ayon kay Justice Puno. “Justice Puno’s inspiring words should properly locate not just our arguments but should properly locate us all in what we ought to be as children of God of the one Father and Creator of all. There are human rights precisely because there are natural rights of individuals proceeding from all as children of God of the same Father and Creator of all,” Samson said.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG GRASYA

COMELEC

FATHER AND CREATOR

GRACE POE

ITO

JUSTICE ANTONIO CARPIO

JUSTICE PUNO

POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with