^

PSN Opinyon

Emphysema

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Ang emphysema ay sakit sa baga dahil sa matagal na pa­nahong paninigarilyo. Bukod sa paninigarilyo, ang paglanghap din ng hangin na polluted ang dahilan ng emphysema.

Ang baga ay may mga maliliit na air sacs kung saan puma­pasok sa katawan ang oxygen at lumalabas ang carbon dio­xide. Dahil sa usok at polusyon, puwedeng masira ang mga air sacs ng baga at mapigilan ang pagpasok ng oxygen sa katawan. Dahil sa sigarilyo, tumitigas ang baga, nag-iipon ang plema at nahihirapan nang huminga ang pasyente.

Wala pang lunas sa emphysema. Kapag nasira na ang baga, hindi na ito maiaayos muli. Hindi naman puwedeng operahan at palitan ang baga.

Sundin ang mga sumusunod na payo upang hindi magka-emphysema:

1. Ihinto ang paninigarilyo. Hindi pa huli ang lahat. Basta itinigil ang paninigarilyo, mapipigilan ang tuluyang pagkasira ng baga.

2. Umiwas sa lugar na may naninigarilyo. Kapag may kasama kang naninigarilyo, para ka na rin nanigarilyo ng 3 sticks sa bawat oras na kasama mo siya.

3. Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersisyo gamit ang 1 kilong dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.

4. Kumain ng anim na beses sa isang araw pero kaunti lang. Halimbawa, isang saging lang sa meriyenda. Masama kasi ang sobrang busog sa may emphysema dahil naiipit ng tiyan ang iyong baga.

5. Abutin ang tamang timbang. Hindi maganda ang sob­rang taba at ang sobrang payat din. Kapag payat ka masyado, mawawalan din ng lakas ang katawan. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng gulay, prutas, isda at manok.

6. Tamang paghinga: Huminga nang malalim ng nakabuka ang bibig. Gamitin ang tiyan sa paghinga.

7. Habaan ang iyong pag-exhale (paglabas ng hangin). Su­bukang mag-exhale ng nakabilog ang bibig (purse lip breathing). Para bang humihipan ka sa isang straw. Mapipigilan nito ang pagsara ng mga air sacs sa baga.

8. Uminom ng vitamin C at E. Mga anti-oxidants ito at baka makatulong sa masamang epekto ng paninigarilyo.

9. Magsuot nang maluluwag na damit. Magluwag din ng pantalon para hindi mahadlangan ang paghinga.

10. Matulog nang nakaangat ang ulo at katawan. Gumamit ng 2-3 unan.

11. Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto at maganda ang daloy ng hangin. Kung may air-conditioner ay mas makagiginhawa pa.

12. Mag-relax at mag-dahan-dahan lang sa inyong gawain.

13. Humingi ng suporta sa pamilya at magpatingin sa isang espesyalista sa baga.

BAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with