^

PSN Opinyon

‘Trapo’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAHAHABA ang mukha ngayon ng tagapagsalita ng ibang presidentiables.

Hindi pabor sa kani-kanilang manok ang resulta ng mga naglalabasang survey. Kanya-kanya silang pananaw. Kanya-kanyang depensa kasi naungusan.

Tulad ni Cong. Sherwin Gatchalian, hindi nakatiis, nagsalita matapos pumangalawa nalang si Grace Poe kay Rudy Duterte sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Snapshot lang daw ng mga tao ang survey sa isang espisipikong panahon. Magbabago rin daw ito depende sa mensahe na kanilang maririnig.

Tama ang sinabi ni Gatchalian pero mali pa rin.

Hindi nagbabago ang sentimyento ng mga tao hanggat wala silang nakikita at nararamdamang resulta at kinahinatnan ng mga pangakong plataporma palang ng mga pulitiko.

Ito namang si Cong. Edgar Erice ng Liberal Party isa ring sasaksakan ng trapo. Palibhasa kulelat si Mar Roxas, huwag daw bigyan ng kredibilidad ang bawat lumalabas na survey.

Araw-araw, mayroon naman daw bagong survey result. Pagtuunan nalang daw ng pansin ang mga isyu tulad ng pangangasiwa.

Ganito ang mga trapo. Laging gustong pag-usapan ang governance kasi alam nilang doon sila makakapuntos. Hindi nila alam matatalino ang mga tao. Hindi na matu-tsubibo. Nananawa na sa kanilang estilong trapong panga­ngasiwa sa gobyerno. Gusto na nila ng bagong mukha at bagong mamumuno.

Dala na rin ng matinding desperasyon, nag-aanalisa na ang tao sa bawat katangian ng mga tatakbong pulitiko lalo na sa pagkapangulo.

Wala akong iniendorso.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.

ABANGAN

ANG

EDGAR ERICE

GRACE POE

KANYA

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MGA

RUDY DUTERTE

SHERWIN GATCHALIAN

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with