^

PSN Opinyon

PNP job well done sa APEC Summit

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang naging papel ng PNP para masiguro ang kaligtasan ng lahat nang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Leaders’ Summit lalo na ang 21 top - brass member economies ng APEC at mga delegado nila na dumalo rin sa nasabing okasyon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang PNP ay nanguna sa Joint Task Force APEC Security, na responsable sa lahat ng security measures at kaligtasan ng lahat ng mga bisita at madlang pinoy lalo’t nangyari ang kagimbal - gimbal na Nov. 13, Paris attacks na ikinamatay ng may 129 madlang people doon.

Ika nga, condolence!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago pa magsimulang magdatingan at ang pagpupulong ng 21 top brass around the world para sa  APEC Summit pinangunahan na ni PNP Director General Ricardo Marquez, commander ng ‘Joint Task Force’ at mga alipores nito ang pag-galugad nila sa iba’t-ibang lugar upang mailayo sa kapahamakan ang world leaders at ibinuhos at itinuon ang pansin sa kahabaan ng Roxas Blvd., Buendia at Baclaran na pagdarausan ng APEC conference para pangalagaan at bigyan ng proteksyon ang mga dadalo rito.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lahat ng mga nakakalat na miembro ng pulisya sa iba’t-ibang lugar na kabilang sa pagbabantay, pagbibigay ng seguridad at pagsasaayos ng mga lugar na dadaanan ng mga top brass officials, tiniyak ni PNP chief Marquez naman na mabigyan ng suporta lahat sila tulad sa pagkain, tubig, tulugan at palikuran na maayos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iniutos ni Marquez ang pagpapakalat  ng kapulisan sa iba’t-ibang kalapit probinsiya bukod pa sa sinanay ang mga ito na maging mahinahon at magpakumbaba sa mga nabubuwisit na motorista sa kalsada dahil karamihan ng mga dinaanan ng mga top brass APEC officials ay isinara sa madlang public.

Sabi nga, sila - sila lang ang dumaan sa APEC lanes!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 30,000 ang naging bilang ng kapulisan, militar at emergency personnel ang itinalaga sa mga lugar para magbantay at tiyaking ang kaligtasan ng mga bisita galing sa iba’t-ibang parte ng mundo.

‘While the Aquino administration would have better chosen Clark or Subic as the site of the APEC Leaders’ Meeting to avoid inconvenience to the public as well as Metro Manila-wide disruption of schools and businesses, the PNP deserves proper credit and commendation for a job well done.’ bida ng kuwagong musikero.

Ika nga, Korek ka dyan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga militanteng grupo ang isa sa pinalalagay ng kapulisan na panguna­hing banta sa APEC security at anti-riot policemen pero ang mga ito ay kanilang nasawata at napigilan dahil gusto nilang magsilusot sa ‘police line’ para makalapit sa pinagdarausang mga lugar ng APEC sa may Philippine International Convention Center (PICC).

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang protesta ng grupo ng mga militante gumanti na lamang ang kapulisan sa pamamagitan ng ilang awitin para ipamukha sa mga protesters na marunong silang kumanta este mali maging mapayapa at huminahon pala tungkol sa mga ginagawa nilang magulong aksyon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpatupad ang kapulisan ng ‘maximum tolerance’ laban sa mga nagpo-protesta para maiwasan ang sakitan sa pagitan nila at mga militanteng grupo.

Ika nga, nagkamedyahan lang ng magkagirian ang mga protesters at PNP.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dinipensahan ni PNP chief Marquez ang mabigat na seguridad na ipinatupad at ang ginawang pagsarado sa ilang pangunahing lansangan na dadaanan ng mga turista este mali mga top brass officials pala na dadalo sa summit.

Tanong - bakit, kailangan pang isara ang mga kalye?

Sagot - Kamote, ito ang protocol para mabantayan nang husto ang mga pinuno ng iba’t-ibang world leaders na dumalo sa APEC Summit at para walang masabing pinabayaan natin sila . Hehehe!

‘Humihingi ang PNP ng pangunawa at pasensiya sa madlang pinoy!’ sabi ng kuwagong inuurot.

Ika nga, We are sorry!

“Ibinida ni Marquez na hindi nila pinabayaan ang ibang mga lugar sa pagbabantay para sa seguridad ng madlang pinoy habang abala sila sa pagkatok este mali pagtutok pala sa mga top brass world leader na dumalo sa APEC, dahil ang Philippines my Philippines ang host country.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kaya nga, the PNP deserves the proper credits and commendation for a job well done!

Ika nga, Mabuhay kayo!

ACIRC

ANG

APEC

ASSET

AYON

IKA

KUWAGO

MARQUEZ

MGA

MISMO

ORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with