^

PSN Opinyon

Mar ‘di elitista -- Rep. Leni

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG isa raw sagabal sa kandidatura ni LP presidential bet Mar Roxas ay ang impresyon ng tao na isa siyang ”elitista” kaya laging laglag sa survey.

Pero mismong ang kanyang vice presidential running mate na si Rep. Leni Robredo ang nagsabing mali ang impresyong ito dahil personal na niyang kilala si Mar sapul pa nang nabubuhay ang kanyang asawang si dating­ DILG Sec. Jesse Robredo.

Sa isang panayam, naikuwento ni Leni ang matagal na pagkakaibigan nina Roxas at Jesse. Aniya, sa pamilya at public service umikot ang buhay ng kanyang asawa. Bihira itong lumabas kasama ang mga kaibigan. Pero tuwing magagawi si Jesse sa Maynila, tiyak na nagkikita sila ni Mar para magkasamang mag-almusal at makapagkuwentuhan.

Kapag si Mar naman daw ang nasa Bicol, dumadalaw rin ito sa mga Robredo.

Ganyan umano nakilala ni Leni ang karakter ni Mar. Nagtataka raw siya kung bakit may nagsasabing eli­tista si Mar, gayong kitang-kita niyang magaling itong makisama. Kahit nga raw sa mga provincial trip nilang magka-tandem ay lagi itong dinudumog ng tao. Pinuri niya rin ang paninindigan ni Mar na maglingkod, kahit na maraming putik ang ibinabato sa kanya.

Naikuwento rin ng lady solon na isa sa pinakama­hirap na desisyong ginawa niya ang pagtakbo bilang bise presidente. Masalimuot ang mundo ng pulitika, at natatakot ang kanyang mga anak na pagdaanan niya ang pinagdaanan ni Jesse noong pinili nitong labanan ang mga trapo sa kanilang lugar. Pero sa huli, napagpasyahan daw nilang mag-iina na ito rin naman ang gugustuhin ni Jesse kung nabubuhay pa siya.

Sa dami ng mga tambalang sasabak sa 2016 presidential elections, pakasuriin na lang nating mga botante kung sino ang karapatdapat mamuno sa bansa: Mar-Leni, Grace-Chiz, Binay-Honasan, Miriam- Bongbong at baka sumulpot pa ang Duterte-Cayetano. Tutal, kilala na natin halos sila at ang pinakamahalagang katangiang dapat ikonsidera ay yung katapatan at kakayahang isulong ang isang righteous governance sa gitna ng talamak na korapsyong matagal nang sakit at salot ng lipunan.

ACIRC

ANG

ANIYA

BICOL

BIHIRA

JESSE ROBREDO

LENI

LENI ROBREDO

MAR

MGA

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with