^

PSN Opinyon

Ano ba talaga Mayor Digong?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HELE-hele bago kiyere. Isang matandang kasabihan na ang ibig sabihin ay, kunwari ayaw pero gusto. Sa ibang salitang Tagalog – nagpapakipot.

Iyan ang impresyon ko at ng maraming tao kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Oo nga at may mga pahayag na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo. Pero sa kabila niyan, makikita ang mga billboards at posters niya sa maraming panig ng bansa­. Bukod pa riyan ang mga radio-tv ads. Iyan ba ang walang balak tumakbo?

Sasabihin siguro niya na ang mga campaign materials ay kagagawan ng mga supporters  na naniniwala at nagtutulak  sa kanya na kumandidato. Pero sorry, hindi ko paniniwalaan iyan. Kung ako siya at seryoso akong hindi kakandidato, ako mismo ang  pipigil sa mga inilalabas na anunsyo  na nagpapahiwatig sa kanyang pagtakbo.

Sa larangan ng advertising, gumagamit ng reversed psycho­logy. Totoo naman na marami ang may gustong siya ay tumakbo at sa sikolohiya ng tao, habang ang kursunada mo ay umaayaw sa iyong panukala, lalu ka namang nagiging agresibo na suportahan siya.

Dalawa na ang pursigidong mag-bise presidente niya: Sina Senador Alan Peter Cayetano at Sen. Bongbong Marcos­. Pareho ang dalawang ito. Walang tinutukoy na tatambalan­ nilang pa­ngulo pero malakas ang pahiwatig na ito ay si Duterte. Kapwa rin sila naniniwala na sila ang susuportahan ni Duterte sa kanilang vice presidential bid.

Si Cayetano ay nagdeklara ng kanyang kandidatura mismo­ sa Davao City na balwarte ni Duterte. Si Marcos naman ay idinaan lang sa isang press statement ang intensyong tumakbo sa pagka-bise presidente.

Pero sino nga ba sa kanilang dalawa ang pipiliin ni Duterte? May napalathalang balita na tutuldukan na ni Duterte ang pala­isipan sa kanyang kandidatura sa sandaling magdeklara siya ng kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo. Ang tanong ay saan gagawin ang deklarasyon? Ayon sa balita, ito ay isasagawa sa Paoay na balwarte ng mga Marcos. Kaya sa balitang ito’y mahihinuha mo na kung sino ang magiging running mate ni Duterte. Pero mahirap magsalita ng tapos kasi baka ito’y isa lang press release.

ACIRC

ANG

BONGBONG MARCOS

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

IYAN

MGA

PERO

SHY

SI CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with