^

PSN Opinyon

‘Kung ano ang puno, siya rin ang bunga’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI na bago ang mga insidente ng pananakit at pambubugbog ng mga anak at kaanak ng mga maiimpluwensyang angkan ng pulitiko na nasa probinsya.

Siga kung umasta. Walang sinisino. Hindi natatakot sa mga awtoridad dahil kaya nilang paglaruan ang batas at alam nila kung ano ang mga kahinaan ng batas. Inaakala yata na pati ka­lakhang Maynila o saan man sila magpunta karugtong ng kanilang balwarte kaya ayos lang gumawa ng katarantaduhan.

Tulad nang ginawang pambubugbog umano ng magkapatid na sina Christian at Angelo Joson sa kapwa nila motorista sa Ayala, Alabang nitong nakaraang linggo. Ang panggugulpi isinagawa pa mismo umano sa harap ng anak at ama ng kanilang napagdiskitahang biktima. At sa halip na magpaliwanag ang narinig pa raw sa mga suspek, mayabang na pagpapakilalang sila ang mga Joson­ ng Nueva Ecija.

Kahapon, siguro tinablan na rin ng hiya, nagsalita sa media si dating Nueva Ecija Vice Governor Edward Thomas Joson. Nakakaladkad na raw kasi ang kanilang pamilya sa nangyaring road rage sa Muntinlupa.

Tinanggap ng dating vice mayor, maaaring malayong kamag-anak nila ang mga suspek mula sa Bataan subalit bilang isang dating may katungkulan sa gobyerno wala siyang inakong pananagutan at walang paninindigan sa insidente. Kung kaanak niya man at gustong burahin ang naging pangit na imahe, hindi siya nakaringgan ng anumang pagkastigo at pagdisiplina. Kung kinukunsinte o kinukundena niya ang pambubugbog, ewan.

Lumalabas tuloy, sa mata ng marami, ayos lang na gumawa ng krimen at maghari-harian basta kaanak ng maimpluwensyang angkan. Kung isa ka lang utot at maliit na indibidwal, pasensyahan nalang.

Naniniwala ang BITAG Live na kung ano ang asal ng isang anak, repleksyon ito ng mga magulang at kung anong uring pagpapalaki at disiplina mayroon ang mga magulang. Kung bastos, barubal at balasubas ang kinalakihang pamilya ng isang indibidwal, ganito rin ang kanyang magiging ugali at asal.

Sa mga balahurang magkapatid na Joson na nanggulpi, makakahanap din kayo ng katapat na magdidisiplina sa inyo. Tatlo lang ang magiging kahihinatnan, kung hindi pagamutan, kulungan o ‘di naman kaya libingan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com. sssssss

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ALABANG

ANG

ANGELO JOSON

JOSON

KUNG

MGA

NBSP

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA VICE GOVERNOR EDWARD THOMAS JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with