^

PSN Opinyon

Binahiran muli ang imahe

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA talumpati ni PNP chief Director General Ricardo Marquez­ sa mga HPG na nagsasaayos ng trapik sa EDSA, ang nais daw niya ay bumalik muli ang respeto ng mga motorista sa HPG, tulad noon. Pagkakataon daw ito para mabalik ang tiwala at magandang imahe ng PNP. Maganda ang kanyang talumpati. Magandang inspirasyon para sa mga pulis. Pero sa unang araw ng pagbantay ng HPG sa EDSA, may isang pulis na muling binahiran ang imahe ng PNP.

Nagkagitgitan umano ang isang ambulansya at pri­badong sasakyan. Nataon na pulis pala ang nagmamaneho ng pribadong sasakyan. Nang magkagirian na, tinutukan umano ng pulis ang drayber ng ambulansya. Dahil may mga HPG na sa EDSA, agad sinumbong ng drayber ng ambulansya ang pangyayari, kaya agad ding nahuli ang pulis. Kinuha ang kanyang baril, pinosasan at inaresto. Dapat lang. Bakit niya kinailangang ituutok ang kanyang baril, kung hindi naman nalalagay sa pe­ligro ang kanyang buhay? Gitgitan lang sa trapik, may karapatan na siyang makalalaki at manutok ng baril, dahil pulis siya? Ganun ba iyon?

Mabuti na lang talaga at mga HPG na ang nasa EDSA. Kung mga MMDA pa rin, siguradong hindi reres­petuhin ng pulis na iyan, baka sindakin at tutukan na rin ang mga MMDA. Sana umabot kay Marquez ang ginawa nitong pulis, kasuhan at kung karapat-dapat, tanggalin na sa serbisyo. Hindi puwedeng bumabaybay ng kalsada ang peligrosong taong ito. Hindi puwede maging pulis. Gitgitan lang, labas na kaagad ang baril. Paano iyan at araw-araw naman ganyan ang trapik sa EDSA? Araw-araw din siya manunutok?

Tuloy-tuloy naman ang pag-aaral ng HPG sa mga problema sa EDSA. May mga nakita na, may mga panukalang solusyon. Bagama’t may bahagyang pagluwag na sa ilang lugar tulad ng Balintawak market, may trapik pa rin sa Cubao. Inasahan naman iyan at binago ang ruta ng mga pamprobinsyang bus. Bigyan pa ng panahon ang HPG para ayusin ang EDSA. At magsilbing babala na rin sa mga mahihilig maglabas nag baril at manutok, pulis man o hindi. Baka kayo ang tutukan ng HPG kung pasaway pa rin.

ACIRC

ANG

ARAW

BAGAMA

BAKIT

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

EDSA

GITGITAN

HPG

MGA

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with