^

PSN Opinyon

Dinaig tayo ng lahat sa internet

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPAPAG-USAPAN na naman ang ubod ng bagal na internet sa bansa. Ayon sa Ookla Household Download Index noong Mayo nitong taon, ang Pilipinas ay pang-21 sa pinakama­bagal na internet sa Asya. Isang bansa lang ang tinalo natin, Afghanistan, kung saan magulo pa rin hanggang ngayon. Dito sa atin, wala namang gulo tulad ng Afghanistan. At higit isang Mbps lang ang lamang natin sa Afghanistan. Dinaig pa tayo ng Vietnam, Bangladesh, Laos, Myanmar at Cambodia. Sa mga nakapunta na sa mga bansang nabanggit, alam nila ang bilis ng internet nila. Sa totoo lang, dinaig tayo ng lahat sa rehiyon. At bukod sa mabagal na internet, mahal pa. Ang mga prepaid na internet card ay tatagal lamang ng ilang araw. Hindi rin ako naniniwala sa mga sinasabi nilang bilis ng internet, dahil kapag sinukat mo ito sa isang website na nagagawa ito, wala pa sa sampung porsyento ang bilis. Nakakahiya, nakakainis. Bakit nga ba? Sinauna ang mga kagamitan? Wala nang gustong maglabas ng pera para mapabilis ang internet? O sinasadya ba ito ng mga kumpanya?

Alam ko na may mga kumpanya na napakasama ng serbisyo ng internet. Mga koneksyon na nawawala na lang, at kapag tumawag ka para maserbisyo, ilang araw bago dumating. Hindi naman binabawasan ang binabayaran mo buwan-buwan. Ganito ang estado ng internet, sa panahon napa­ka­halaga na nito hindi lang sa buhay, kundi sa negosyo. Maraming kumpanya nga ang hindi na tumutuloy ng pagtayo ng opisina o pabrika sa bansa dahil sa bagal ng internet.

Kung titingnan mo naman ang mga bansa na may mabibilis na internet, mapapansin mo na maraming mga internet provider sa mga bansang iyan. Kapag mga kulelat tulad natin, Afghanistan at Myanmar, dalawa o tatlo lang ang mga internet provider. Ang sinasabi nito ay kapag maraming internet provider, mas may kompetisyon para sa mga kliyente. Kaya magpapakitang-gilas ang mga kumpanya, para makuha nila ang negosyo mo. At sino ang may ayaw ng mabilis at murang internet. Kung iilan-ilan lang ang kumpanya, wala na silang pakialam kung magreklamo ka pa sa langit dahil wala ka namang pagpipilian. 

Sigurado nagtuturuan lahat kung bakit mabagal ang internet. At siyempre, ang mamamayan ang laging talo. Kailan kaya magiging isa ang layunin ng lahat, maging mga pribadong kumpanya o ang gobyerno, para mabigyan ng maayos na serbisyo ang taumbayan pagdating sa internet? Napag-iiwanan na tayo, na naman, ng ating mga kapitbahay na bansa­. Dapat sapat na dahilan na iyan para kumilos.

ACIRC

ALAM

ANG

ASYA

AYON

BAKIT

INTERNET

LANG

MGA

MYANMAR

OOKLA HOUSEHOLD DOWNLOAD INDEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with