^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maraming natakawan kaya nalinlang sa scam

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MASYADONG natakawan ang mga naglagay ng pera sa investment company. Natangay sa magandang pananalita at sa malaking balik ng pera kaya itinodo na ang pinaghirapang pera. Hanggang malantad na scam pala ang lahat at natangay na ang perang pinaghirapang ipunin.

Hindi lamang sa Metro Manila maraming nabiktima ng investment scams kundi pati sa probinsiya kung saan ang mga miyembro ay nag-invest ng kanilang perang matagal na pinag-ipunan. Ang iba ay ini-invest pati kanilang retirement pay. May mga guro, pulis, government employee at mga tindera. Itinodo na lahat dahil ang pangako ng investment company, babalik ang 45 percent ng pera sa loob lamang ng isang linggo. Masyadong nagahaman sa malaking balik ng kanilang pera. Sobrang laki nga naman sa loob lamang nang maikling panahon.

Pero ang inaasam na malaking balik ng pera ay hindi nagtuluy-tuloy. Sa umpisa lamang maganda. Pinadama lamang ang investors at saka lumipad na ang kompanya. Ang dating magandang opisina ay abandonado na. Hindi na matagpuan ang may-ari na nangako nang magandang bukas. Tinangay na ang perang ini-invest ng mga miyembro.

Noong nakaraang linggo, 4,000 investors ng Skyline Marketing ang humingi ng tulong sa Cri­minal Investigation and Detection Group (CIDG) para madakip ang may-ari ng nasabing investment  company. Ayon sa mga nalokong investors, nangako ng 45 percent return sa kanilang ini-invest ang Skyline. Pero hindi raw natupad. Naglahong parang bula ang may-ari ng Skyline.

Nagpaalala ang Malacañang na huwag magpapatangay sa mga magandang alok ng mga investment company na magkakaroon nang malaking tubo ang pera. Imposibleng kumita ng 45 percent sa loob lamang ng isang linggo ang pera. Walang ganito kalaking return. Scam ito.

Ang pagkagahaman o katakawan sa malaking kikitain ang dahilan kaya maraming nalilinlang. Hindi na natuto sa mga nakaraang scam kung saan, biglang naglaho ang investment company makaraang makalikom ng milyon mula sa mga miyembro. Matuto na sana ang marami na huwag isapalaran ang perang pinaghirapan.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

CRI

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

METRO MANILA

MGA

PERA

PERO

SKYLINE MARKETING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with