^

PSN Opinyon

Puslitan sa Aduana patuloy

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang operasyon ng smuggling sa Bureau of Customs dahil maraming mga bugok na mga opisyal dito ang nakikinabang sa kalakaran nangyayari sa loob ng bureau.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Irene at Jerry ang nagsasamantala para palusutin ang kanilang mga kontrabando dyan sa MICP at POM kapalit ng malaking halaga ng salapi para tapalan ang mga bugok na nakapatong sa kanilang illegal operations.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga bugok sa tanggapan ni General Dellosa ang diumano’y nakapatong sa grupo nina Jerry at Irene kaya hindi mahuli ang kanilang kontrabando at malayang nakakalabas sa pier.

Sabi nga, patong!

Abangan.

Region 3 at 4 paihi multi billion racket

MULTI - billion peso ang racket sa mga ‘paihi’ o iyong mga ninanakaw na gasolina dyan sa Region 3 at maging sa Region 4 kasabwat ang mga bugok na opisyal ng pulisya sa mga nasabing rehiyon kaya up to now ay hindi matigil ang scam na ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Mike ‘baboyon’ alyas Mike ‘berdugo’ ang kumukumpas ng ‘paihi’ sa ilang bayan ng Bataan, gamit ang diumano ang mga pangalan ng mga opisyal ng pulisya dito dahil limpak-limpak na salapi ang ganansiya nila mula sa nakaw na gasolina kaya hindi matigil ang operasyon ‘paihi.’

Ikinanta ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operasyon ng paihi nina alyas Pedro at a.k.a Velasco ng Barangay Alangan, Limay Bataan, isang alyas Malen, alyas Salvador at alyas Marilou, Norma, at alyas Aquino.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Barangay Toyo Balanga, Bataan, isang alyas Bogs at alyas Violago ang tumitirada ng paihi dito.

‘Hindi biro ang perang hinahati sa paihi kaya naman paldo ang mga bugok na pulisya at ang mga pangalan binanggit sa itaas dahil.’ sabi ng kuwagong inutakan.

Ika nga, million of pesos everyday ang ganansiya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, habang tuloy-tuloy ang gasoline hike tumataas ang demand ng mga gumagamit ng paihi dahil mura itong nabibili.

Ang talamak at organisadong pagnanakaw ng gasolina mula sa mga barko at barge at maging eroplano at pagkatapos ay isinasakay sa mga trak.

‘Gusto ng mga buyer ang diesel fuel na nakaw dahil mas hamak na mura ito kumpara sa mga nabibili sa mga gasoline station.’ sabi ng kuwagong uwak ang utak.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinawag itong “paihi”, dahil parang ihi ang paglabas ng gasolinang ninanakaw galing sa tangke ng mga sasakyan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabili ang paihi sa mga driver at operator ng mga sasakyan lalo na ang mga gumagamit ng diesel tulad ng bus, jeep at mga tricycle.

Sabi nga,  ang hayagan bentahan ng tinging gasolina sa mga highway sa Bataan at Pampanga.

‘Taon na ang binilang ng paihi operation kaya naman grupo nang mga sindikato ang bumubuo nito ngayon.’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang diesel ay nananakaw mula sa mga nakadaong na barko o barge na ang kalimitan nagsasabwatan ay mga security guard at transporter.

Sabi nga, itinatawag sa grupo ng mga paihi gang ang dating ng mga barko o barge ng kanilang kasabwat  kaya naman sasalakay ang mga Kamote gamit ang mga maliliit na bangka para hindi sila gaanong mapansin.

Abangan.

ALYAS

ASSET

AYON

KUWAGO

MISMO

ORA

PAIHI

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with