^

PSN Opinyon

Shabu market sa Tagumpay Village

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang bentahan ng ‘shabu’ sa mga dupang na dumadayo pa sa Tagumpay Village, Barangay Bagong Silangan, Quezon City, dahil talamak ito rito.

Sabi nga, kahit langgam ituturo ang bahay ng mga pusher!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang aksyon ginagawa ang anti-narcotics group sa operasyon nina alyas Ryan ‘kamatayan’ at Greg, ang dalawang supplier ng shabu sa mga dupang sa Tagumpay Village.

Bakit?

Sagot -  may pakinabang sa mga ito!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa loob ng bahay ng dalawang gagong nabanggit nakatago ang kanilang supply ng droga at hindi ito basta mahuhuli kung talagang ayaw aksyunan ng mga autoridad ang dalawang notorious pusher na ito.

‘Hindi lang mga adik sa Tagumpay Village ang bumibili sa dalawang Kamote kundi may mga dumadayo pa rito para tikman ang kanilang ibinebentang droga.’ sabi ng kuwagong haliparot.

‘Ano ang ginagawa ng PDEA, PNP - AIDSOTF at mga burongoy na kawatan sa problema ng droga sa Tagumpay Village, bakit hindi ito hulihin?’ tanong ng kuwagong nilalagyan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi rin inaaksyunan ng pulisya ng CPD Station 6, ang dalawang pusher kung bakit? Sila lang ang nakakaalam. Take note, CPD director Pagdilao, Sir!

‘Bakit nga pala hindi hulihin o i-casing muna ng mga alagad ng butas este mali batas pala para malaman ang lawak ng ope­rasyon ng dalawang gago?’ Tanong ng kuwagong ginigiyang.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ito binibisto ng mga burongoy na kawatan dahil marami sa kanila ang adik at mismong sila pa ang buyer ng ‘shabu’ dito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kambiyo issue, isang alyas Nonong ‘seplak’ ang kinatatakutan ng madlang people dyan sa Sitio Pugot dahil marami na pala itong napatay at ni-rape na baboy este mali bebot pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi basta napapasok diumano ng mga rakpadudels ang Sitio Pugot dahil natatakot daw silang baka sila ang makamote.

Abangan.

Rematch ng BIFF pinagbigyan ng AFP

PARANG mga dagang kagat-kagat ang kanilang mga buntot na nag-uunahan sa takbuhan at naglulusutan kung saan-saan butas para magtago ang mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ng maglunsad ng military operasyon ang Philippine Army 602nd Brigade at 7th Infantry Battalion sa Barangay Kabasalan, Pikit, North Cotabato, dahil dito nag-say goodbye sila sa kanilang hawak na teritoryo.

Sabi nga, takbo, tago, takbo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umpisa ng magtago ang mga miembro ng BIFF na gusto pang magkaroon ng ‘rematch’ sa gobierno para lamang mabawi ang ilang mga ninakaw na baril nila sa kinatay nilang miembro ng PNP elite Special Action Forces noon sa Mamasapano, Maguindanao.

Sabi ni BIFF spokesman Abu Misry Mama, hindi nila ibabalik ang mga baril galing sa kinatay nilang police commandos dahil nakuha nila ito sa pamamagitan ng madugong labanan.

‘Hindi namin hiniram ang mga baril? Barilan muna bago nila makuha ang mga baril.’ pagbibida ni Mama.

Ika nga, rematch muna tulad sa boxing!

‘Sampung high powered firearms kabilang ang isang bazooka ang ninakaw nila sa mga patay na police commandos noong tinambangan nila ito.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malabo ng makuha pa ng gobierno ang mga baril na ninakaw ng BIFF sa mga police commandos lalo sa nangyaring military operation para silang mga dagang bahag ang buntot na nagtatatakbo kung saan - saan lugar para makahanap ng mapagtataguan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, basta decided ang gobierno na pabagsakin ang BIFF sa anuman paraan tiyak mabubura ang pangalan nito at maglalahong parang bula.

‘Pero kung ang military operation ay isang ningas cogon lamang tiyak lalo pa itong darami at makakapinsala pa sa ekonomiya ng Philippines my Philippines.’ sabi ng kuwagong pakaang-kaang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagbanta ang BIFF na gaganti sa ginawa sa kanila kaya malamang magi­ging madugo ang muling takbuhan gagawin ng grupo ni Mama sa muling pagkikita nila ng military.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas gusto ng PNP - SAF na sila ang tumugis at humabol sa BIFF para malaman nila ang lupit na ginawa ng mga ito sa kanilang mga kinatay na kasamahan.

Abangan.

ASSET

AYON

KUWAGO

MISMO

ORA

SABI

TAGUMPAY VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with