^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Krimen na likha ng pagdodroga, tumataas

Pilipino Star Ngayon

LAGANAP ang illegal drugs sa Metro Manila at ito ang pangunahing dahilan kaya mataas ang krimen sa lungsod. Sunud-sunod ang mga krimen na gawa ng mga drug addict at lahat ay karima-rimarim. Mayroong hinoldap na ay pinatay pa. Mayroong pinasok sa bahay at pinagnakawan pero hindi pa nagkasya ay ginahasa pa ang kawawang babae.

Mayroong dahil sa tindi ng tama ng shabu ay hino-hostage ang sariling pamilya. Mayroong sabog na ama na nagtungo sa footbridge karga ang anak at tumalon doon. Patay ang kawawang bata pero ang ama ay nabuhay. Wala na sa katinuan ang mga gumagamit ng droga at pati anak na walang malay ay idinadamay. Mayroon namang lango sa droga na sinunog ang sariling bahay at naging dahilan para masunog ang iba pang bahay. Mara-ming drug addict sa kasalukuyan at nagbibigay ito ng pangamba sa mga residente. Hindi na ligtas ang mga tao sa gabi sapagkat nakaabang ang mga criminal na gumamit muna ng shabu para isagawa ang karumal-dumal na pagpatay, panggagahasa at iba pang krimen.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 92 percent ng mga barangay sa Metro Manila ay apektado ng illegal na droga noong nakaraang taon. Hindi na nakapagtataka ang report ng PDEA sapagkat matagal nang panahon na maraming drug addict sa mga barangay. Noon pa man, laganap na ang droga o shabu sa mga barangay. Inutil naman ang mga chairman ng barangay sapagkat hindi nila kayang i-monitor ang nasasakupan. Walang pagsisikap ang mga bara-ngay kapitan para malipol ang mga nagpapakalat ng droga sa sakop na barangay.

Makipagtulungan ang barangay sa PNP o NBI para ganap na maubos ang mga “salot na drug traders”. Ang mga opisyales ng barangay ang may higit na kaalaman sa mga taong dumarating sa kanyang nasasakupan. Kung mahusay ang barangay chairman, agad niyang matutukoy ang mga bagong mukha sa barangay. Kung maisusuplong agad ang mga drug traders, tiyak na wala nang kabataang mabibiktima sa barangay. At sigurado ring wala nang krimen.

BARANGAY

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INUTIL

MAKIPAGTULUNGAN

MAYROON

MAYROONG

METRO MANILA

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with