Bad news sa mga tomador
Ang New Year’s resolution ba ninyo ay huminto na o bawasan ang pag-inom ng alak? Mas mabuti kung total abstinence dahil may findings ang mga medical authorities sa U.S. na ang pag-inom ng alkohol ay nagiging sanhi ng cancer. Sasabihin ng ilan, moderate drinker lang naman ako.
Heavy o moderate drinker, puwede raw tamaan ng cancer dahil sa pag-inom ng alak. Nang una akong magkaroon ng heart attack, sinabihan ako ng cardiologist ko na kailangan din ng kaunting alkohol ang katawan. Kaya naman, kahit isang munting shot ng red wine gabi-gabi, ginagawa ko. Pero medyo esep-esep tayo ngayon.
Sa U.S. ngayon, may pagkilos ang mga doktor ng pamahalaan para maisabatas o obligahin ang mga wine manufacturers na maglimbag ng warning sa bawat botelya na ang alak ay maaaring maging sanhi ng cancer.
Dapat din daw himukin ang mga tumotoma na limitahan ang pag-inom ng alak. In other words, “drink moderately”. Sa ganitong paraan, mabawasan man lang ang panganib na magka-cancer ang manginginom.
Ganyan din ang patakaran sa sigarilyo na sa bawat pakete ay may retrato pa ng baga na tinamaan ng cancer. Pero nabawasan na kaya ang mga smokers? Mahirap kasing awatin ang isang may bisyo na may psychological dependence na sa bagay na kinahihimalingan.
Ayon kay Surgeon General Vivek Murthy, ang kinakain ng alcohol at cancer ay natuklasan noon pang 1980 na may masamang datos na nagpapatunay sa panganib nito. Ayon sa kanya, ang 20,000 namamatay sa U.S. taun-taon ay dahil sa cancer dulot ng pag-inom ng alak.
Buweno, kung mahirap ang pag-iwas, drink with moderation na lang. By the way, hindi GRO si moderation na gagawing kasama sa pag-inom. Ibig sabihin, alalay lang sa pagtoma at huwag sosobra.
- Latest