^

PSN Opinyon

Circumcision o Truth Commission

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nagpapanukala na lumikha ng truth commission para maimbestigahan ang senseless death ng mga bayaning SAF 44. Sa palagay ko, hindi na kailangan ang Truth Commission kasi sa Senate Committee hearing na pinangungunahan ni Sen. Grace Poe, unti-unti nang lumalabas ang katotohanan. Sa galing ba naman ng pagkaganap ni Grace Poe bilang Chairperson ng Committee at ng mga pointed questions ng batikang abogado na si Senate President Frank Drilon.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na may malaking kapalpakan ang nangyari na naghantong sa kamatayan ng SAF 44. Halimbawa ang suspended PNP chief Alan Purisima, na nagbitiw na, tila hindi yata alam ang ibig sabihin ng salitang “suspended”.

Ito namang si P-Noy mahilig sa sobrang pagpapahalaga sa mga kaibigan, kabarilan, kababata at iba pa. Kaya kahit suspended na ng Ombudsman si Purisima, hinayaan niya pa ring makisawsaw sa planning at implementation ng pag-aresto kay Marwan at Usman.

Si Napeñas naman ay basta na lang inorderan ang SAF 44 na sumugod sa Mamasapano kahit alam naman niya na si Marwan at Usman ay nagtatago sa kanlungan ng MILF at BIFF.

Si Mar Roxas at si Volts Gazmin naman, clueless kung ano ang gagawin dahil di sila isinama sa plano ni suspended presidential friend Purisima.

Noong ako ay nasa high school pa, ang kantiyaw namin sa mga kaklase na madalas pumapalpak ay mga di pa na-circumsize. Kaya dito sa usaping SAF 44, maraming nilalang ang tila di pa circumcized.

* * *

Lalong dumarami ang nagpapamiyembro sa ROSE movement, lalo na ang mga biktima ng contractualization. Kaya hinihikayat ko ang ating mga uring manggagawa na makiisa na rin sa ating kapatiran.

Tayo’y magkaisa, huwag magpaisa. Sali na sa ROSE Movement, makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected]  at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

GRACE POE

KAYA

MARWAN

PURISIMA

SENATE COMMITTEE

SI MAR ROXAS

SI NAPE

TRUTH COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with