Sec. de Lima dapat magbitiw - Atienza
LAST Saturday afternoon nakautotan dila ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, si Buhay party-list Rep. Lito Atienza kung sino dapat ang managot sa nangyaring ‘onli in the Philippines my Philippines’ regarding sa usapin dyan sa New Bilibid Prison dahil sa dami ng mga armas, pera, shabu, mamahaling kagamitan tulad ng airconditioned, television, musical instruments, magagarang gamit pang kubeta at diamond studded na mga relos ang nakumpiska rito matapos itong lusubin ng mga alipores ni DOJ Secretary Leila de Lima sa mga nagbuhay haring convicted high profile criminals.
‘Cong. Lito, sino pa ba ang dapat managot sa nangyari sa loob ng bilibid matapos sibakin dito ang ilang matataas na opisyal ng NBP?’ tanong ng mga kuwagong hitad.
‘Walang iba kundi si Secretary de Lima dahil sa issue ng ‘command responsibilities.’ sabi ni Congressman Atienza.
Bakit pati siya?
‘Noong umupo siya bilang DOJ Secretary may mga kumakalat nang mga balita na maraming milagrong nangyayari sa loob ng NBP. Bakit hindi agad siya umaksyon noon?’ sabi ni Rep. Atienza sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO.
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hihilingin ni Atieza sa Kamara na magkaroon ng imbestigasyon para malaman kung bakit nakapasok ang mga pinag-uusapan natin sa itaas sa loob ng bilibid ng walang sumisita.
Tanong - ano ang dahilan?
Sagot - pera kaya?
Abangan.
40 yrs. AGMA ‘batch 74’ nila Atty. Biyong Garing
NANANAWAGAN para imbitahan ang lahat ng alumni ng Agustin Gutierrez Memorial Academy o ‘amag’ este mali AGMA pala batch 1974 ng Naujan, Oriental, Mindoro, para dumalo sila sa Grand Alumni Homecoming sa April 4, 2015 na gagawin sa AGMA grounds.
Sabi nga ni Kuyang Biyong, kita-kits para sa 40 years anniversary ng batch 1974.
Abangan.
Nakumpiskang mga boga sa NBP ano na ang nangyari sa mga owner?
IBA’T - ibang matataas na armas ang nakumpiska sa loob ng National Bilibid Prison pero lima sa mga boga ang naka-pangalan sa ilang politiko.
Bakit?
Sagot - iyang ang kailangan imbestigahan at ilabas sa madlang people!
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, mula sa PNP Firearms and Explosives Division may nakatalang boga sa pangalan ni Guimaras Rep. Joaquin Rahman Nava, isang talunan kongresista si Carlitos Tiquia, ang dalawa pang boga ay nakapangalan kay Vicente Alindada Jr., konsehal ng barangay sa Caloocan City, at kay Avelino Nicanor na isang opisyal ng gobyerno.
‘Ano kaya ang masasabi ni tsekwang convicted druglord Peter Co, todits paano ngayon ito?’ tanong ng kuwagong sinusurot.
Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ipatatawag o isu-subpoena ito ng PNP - FED para mabigyan linaw kung bakit ito nasa loob ng bilibid?
“Ano na ang nangyari sa imbestigasyon ng pulisya?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Sagot - wala pa? Hehehe!
Abangan.
- Latest