^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ano pang sasambulat sa New Bilibid Prison?

Pilipino Star Ngayon

SUNUD-SUNOD ang mga nangyayari sa New Bi­li­bid Prison (NBP). Makaraang madiskubre noong nakaraang taon na patuloy ang illegal drug trade sa NBP at nagbubuhay-prinsipe ang mga convicted high-profile drug lord, may sumabog namang granada noong Huwebes na ikinamatay ng isang inmate at ikinasugat ng 19 na iba pa. Sumabog ang granada sa maximum security compound at namatay ang isang miyembro ng Sigue-Sigue Commando Gang. Naganap ang pagsabog pasado alas-nuwebe ng umaga sa gate ng Building 5 Delta na kinakukulungan ng mga Sigue-Sigue Commando.

Makaraan ang pagsabog, agad na naghalughog ang mga awtoridad at nakakumpiska nang maraming baril, itak at iba’t ibang patalim sa loob ng compound. Parang armory ang bilangguan dahil sa dami ng armas na ang iba ay kinakalawang na dahil sa matagal na pagkakatago. Ibig sabihin, matagal nang may mga armas ang bilanggo at naghihintay lang marahil ng pagkakataon para magamit ang kanilang mga sandata. Tila handang-handa ang mga bilanggo sa pakikipagsagupa at pakikipagrambolan.

Sa pagkakadiskubre sa mga sandata, muling lumutang ang mga katanungan kung paano at bakit naipasok ang mga armas sa loob? Dapat pa ba itong itanong? Kung ang Jacuzzi, king-size bed, bathtub, aircon, ref, alak, cell phones, gadgets, pera at droga ay naipasok para gamitin ng Very Important Prisoners na drug lord, gaano nang maipasok ang mga granada, baril at iba’t ibang klase ng patalim.

Masyado nang talamak ang katiwalian sa NBP at kumikita ang mga opisyal at guwardiya roon. Kung ang isang bilanggo ay may pera, tiyak na maipapasok lahat ang anumang gustuhin niya.

Ang nararapat gawin ni DOJ Secretary De Lima ay alisin sa puwesto ang lahat nang opisyal at personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) at pati na rin ang lahat ng mga prison guard. Hangga’t hindi inaalis ang mga corrupt at inutil na opisyales, patuloy ang katiwalian sa pambansang bilangguan. Pero ang nakadidismaya, walang balak si De Lima na sibakin ang kanyang mga pinuwestong tauhan. Kaya asahan na may mga susunod pang kontro-bersiya sa NBP at maaaring pumabor naman kay De Lima sapagkat laging mababanggit ang kanyang pangalan at maaaring magamit sa binabalak niya sa 2016 elections.

BUREAU OF CORRECTIONS

DAPAT

DE LIMA

NEW BI

SECRETARY DE LIMA

SIGUE-SIGUE COMMANDO

SIGUE-SIGUE COMMANDO GANG

VERY IMPORTANT PRISONERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with