^

PSN Opinyon

Panginoon ng liwanag

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

TUWING unang linggo ng Enero, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon. Bagong Taon, bagong buhay! Muli tayong bumangon na may pag-asa. Ayon kay Isaias, “Magliwanag tayo tulad ng araw.”

Ngayon din ang tinatawag nating pagbisita ng Tatlong Haring Mago sa Sanggol na si Hesus sa sabsaban ng mga tupa sa Bethlehem na tinatawag nating Belen. Sila rin ay astrologers. Ang mga sinag ng tala sa kalawakan ay nababasa nila ayon sa kaayusan ng mga planeta o bituin. Sila ang bumabasa sa takbo ng panahon lalo na ang pagsinag ng mga tala sa kalangitan. Sa kanilang pag-aaral sa takbo ng mga bituin ay doon nila napatunayan na ang kanilang pananaw  o  tawag nilang hula ay pawang katotohanan. Buhay silang mga saksi sa kanilang pagbisita sa sanggol na si Hesus. Doon nila isa-isang inialay ang kanilang mga regalo: Ginto, kamanyang at mira.

Ang ginto ay sagisag ng maringal na pagka-Diyos ng ipinanganak na Sanggol. Ang kamanyang ay simbolo ng pagka-pari ni Hesus sa Bagong Tipan at ang mira naman ay kahulugan ng isang propeta  na magpapalaganap ng Kanyang ipinangaral o ang Bagong Tipan. Ang kanilang pagbisita sa Sanggol ay pawang pagbibigay puri at pagsamba sa Anak ng Diyos na buhay. Ito ang katuparan ng kanilang nabuong plano sa kanilang buhay na sa kabila ng mga pagsubok at panganib ay kanila itong natupad. Pagkatapos ng lahat ay bigla silang nawala.

Alam nilang anak ng Diyos ang kanilang binisita. Wala silang hinangad na kapalit sa kanilang mga regalo. Ang mahalaga ay nasamba nila ang Diyos, napuri nila ang pari at nabigyang dangal ang isang propeta. Tularan natin ang mga Mago na ang paghananap kay Hesus ang misyon. Muli rin nating hanapin ang ating kapwa at tahimik nating ibigay ang ating mga regalo lalo na ang ating pagmamahal, pag-unawa at pagtulong sa mga nangangailangan.

Isaias 60:1-6; Salmo 71; Efeso 3:2-3a, 5-6 at Mateo 2:1-12

* * *

Happy birthday kay Bel Que ng S.D. Cal. USA.

BAGONG TAON

BAGONG TIPAN

BEL QUE

DAKILANG KAPISTAHAN

DIYOS

HESUS

ISAIAS

KANILANG

SANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with