^

PSN Opinyon

‘Biglang-suporta ni PNoy sa Korte Suprema’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

GAANO man kagaling ang isang indibidwal, may katungkulan o kapangyarihan, may limitasyon din ang kaniyang kakayahan. Kaya nga para sa iba, napakahirap na aminin ang kanilang pagkakamali o pagkukulang.

Kaya nga ako’y namangha sa mga pahayag ni Pangulong Noy Aquino nitong mga nakaraang araw. Ang biglang buo niyang pagsuporta sa adhikain ng Korte Suprema na labanan ang korupsyon at katiwalian.

Matatandaang ilang buwan ding nabwisit, sinaltik at pinag-initan ni PNoy ang Supreme Court dahil sa pagdedeklara nito na unconstitutional o ilegal ang sinasabing “suhol” ng Palasyo, ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Umabot pa ito sa puntong gustong amyendahan ng pangulo ang Saligang Batas para mabawasan ang labis-labis daw na kapangyarihan ng Korte Suprema o “judicial overreach.”

Isa ako, sa pamamagitan ng aking programang BI­TAG Live sa mga tumutuligsa noon kay PNoy. Dahil naniniwala ako na independete at hindi dapat mahaluan ng anumang uring pamumulitika ang Kataas-taasang Hukuman.

Anuman ang magiging desisyon nito, popular man o hindi popular, kailangan nitong tumayo at manindigan alinsunod na rin sa Konstitusyon.

Subalit, nitong nakaraang linggo sa ginanap na Second Conference on the United Nations Convention against Corruption sa Palasyo, si PNoy mismo, nagbigay ng direktiba kay Budget Secretary Butch Abad na agarang bigyan ng sapat at kaukulang pondo ang Kataas-taasang Hukuman para sa mga reporma nito.

Kung sa katagalan ng panahon at nalaman ni Pangu­long Noy ang kaniyang pagkakamali at kasalatan sa kaalaman tungkol sa kontrobersyal na isyu ng DAP, sumasaludo ako sa kaniyang pagpapakumbaba.

Bagama’t may ilang mga mambabatas na tumutuligsa na “suhol” daw ang idadagdag na pondo ni PNoy sa Korte Suprema, hindi na ako maghuhusga pa.

Isa ang BITAG Live sa mga programa sa telebisyon at radyo na matalinong nag-aanalisa sa bawat isyu at kaganapan.

Ang Korte Suprema ay sagrado. Hindi pwedeng pakialaman. Hindi tulad ng ibang mga nasa ehekutibo at lehislatura na utak-pulitiko. Nabibili ang kanilang prinsipyo at nasusuhulan para umayon at magbulag-bulagan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ANG KORTE SUPREMA

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

HUKUMAN

ISA

KATAAS

KAYA

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with