^

PSN Opinyon

Int’l cocaine container van?

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Nabulabog ang Davao City Police Office nitong linggo dahil nga sa isang container ng Maersk Int’l na nakarating dito sa isang port sa Davao City na kung saan napan­sing may traces o residue  nga ng cocaine sa tagiliran ng loob nito.

Nabahala ang mga otoridad dito at baka nga nakalusot ang mga lamang cocaine nito at nailabas na ng Davao port.

Kasi nga umabot sa higit P400 million na cocaine ang nasabat noon sa loob ng mga container vans na lulan ng mga dumaong na foreign vessels dito  sa Tibungco Wharf noong mga unang buwan ng kasalukuyang taon.

At sa isip ng mga otoridad ay baka nga maulit muli ang transshipment ng nasabing cocaine nung  napansin nila ang trace ng cocaine sa isang container van nakarating dito.

Ngunit ayon sa imbestigasyon walang laman daw ang container van nang dumating dito,

At nagmula pa nga raw sa Russia ang nasabing container van na dumating dito na walang laman.

Talaga nga raw pinadala rito ang container van upang ipaayos dahil sira na rin daw ito.

Isang lang ang ibig sabihin nito--- na talagang talamak na ang problema sa droga at ito ay hindi na kinikilala ang  kanya-kanyang national territories.

Kung patuloy itong lalaganap na hindi maagapan paano na lang ang ating mundo at ang kinabukasan ng ating mga anak.

DAVAO

DAVAO CITY

DITO

ISANG

KASI

NABAHALA

TIBUNGCO WHARF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with