^

PSN Opinyon

Bonus

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang linggo nag-enjoy ang active members ng Philippine National Police (PNP) sa buong kapuluan sa maagang pamasko ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima. Sumargo ang mantika sa mga labi ng mga ito at nakabayad sa mga pinagkakautangan. Subalit hindi lahat ng pulis ay nakangisi dahil ang mga nasangkot sa mga  samu’t saring asunto katulad ng EDSA hulidap, MPD-Anti-Carnapping Unit extortion, MPD-DAID 5 kilos of Shabu illegal safe keeping, Las Piñas kidnapping at iba pa ay nagpupuyos ang dibdib dahil bokya sila at hindi makakatikim nang masaganang pamasko. Sorry na lang kayo mga suki! Paano kasi nabuking ang kanilang kalokohan na sa kasalukuyan ay naghihimas ng rehas ang ilan sa mga ito habang ang ilan nama’y naka-floating status.

Malinaw kasi sa alituntunin ng PNP sa lahat nilang kasapi na nakakasuhan ay wala itong karapatan na makatikim ng kahit na katiting na biyaya hangga’t hindi naabsuwelto sa kaso. Kaya ang nadamay rito ay yung mga pamilya nila. Di ba mga suki! Subalit sa mga matitinong pulis okey ito dahil tatamasahin ito ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa ipinalabas na kalatas mula sa Malacañang inaprubahan na ang P1,837,449,867.23 na “datung” ng PNP Finance Service na magbibiyak-biyak sa mga kapulisan upang masigurong mapapasakamay ng mga ito.  O mga misis pakitsek n’yo si Mamang Pulis at baka nakubra na nila  ang bonus at sa ibang kandungan ibinigay.

Ang lahat kasi na may ATM ay makukubra na nila ito habang ang ilan na walang ATM ay makukuha nila sa pamamagitan ng checks sa mga Regional Finance Service Offices (RFSO).  Sa Paglilinaw ni PNP Spokesperson, Chief Supt. Wilben Mayor ang lahat ng mga myembro na may administrative cases ay pansamantalang mapi-pending muna habang umiindayog pa ang kanilang asunto. O hayan mga suki kung pulis na nalihis ng landas, may pag-asa pa kayo na makatikim ng grasya kung mahihilot este mapapanalo ang inyong kaso. Sa palagay ko mapapakilos na itong  PNP sa pagsugpo ng mga illegal gambling, drugs traffickers, riding-in-tandem at street criminals dahil natikman na nila ang biyaya ni Pres. Noynoy Aquino at PNP chief Purisima.

Samantala habang ninanamnam ng PNP ang masaganang pamasko kabaliktaran naman ang nararamdaman ngayon ng mga PPA Police sa buong kapuluan. Kasi nga may dalawang taon na pala silang bokya sa mga bonuses mula nang maupo si “kabig ng kabig” General Manager Juan Sta. Ana sa Philippine Ports Authority. Hehehe! Mukhang nagpapabango raw umano si Sta Ana kay P-Noy  para mapanatili sa puwesto. Lumalabas kasi na ang tinapyas ni Sta Ana na bonuses ay malaking saving sa kanyang administrasyon. Ngunit sa kabila ng paghihigpit sinturon ni Sta Ana sa kanyang mga tauhan wala naman nagbago sa facilities ng mga puerto, nakikita pa rin ang mga kakarag-karag na equipment sa mga pantalan kung kaya ang congestion problem ay hindi natutugunan. Abangan!

 

ALAN PURISIMA

ANTI-CARNAPPING UNIT

CHIEF DIR

CHIEF SUPT

FINANCE SERVICE

PNP

STA ANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with