^

PSN Opinyon

Alagaan ang ngipin ng mga bata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG mga bata ay nagkakaroon ng 20 ngipin pagdating ng apat na taong gulang at 32 ngipin pagsapit ng 20 taong gulang.

Tatlo sa apat na bata ay hindi pantay-pantay ang ngipin. May ngipin na sungki, nasa labas ng gilagid at hindi kaaya-ayang ting­nan. Sa edad limang taon ay makikita na itong problema sa ngipin.

Narito ang mga posibleng dahilan at ilang tips para maiwasan ang pagkasira ng ngipin.

1. May taong hindi pantay ang laki ng itaas na panga kumpara sa ibaba na panga. Dahil dito, nagsusungki ang mga ngipin.

2. Ang mga batang mahilig dumede o magsubo ng daliri at maglaro ng kanilang dila ay puwedeng maapektuhan ang ngipin.

3. Ang pagkakaroon ng sirang ngipin at impeksiyon sa gilagid ay puwedeng makatabingi sa pagtubo ng ngipin. Dahil­ sa tabinging ngipin maraming teenager ay nagiging self-cons­cious at nawawalan ng kumpiyansa sa sarili. Kahit ang mukha at pananalita ay puwedeng maapektuhan.

4. Nararapat magpatingin sa dentista ang mga bata. Ipapa-x-ray ang ngipin at magrerekomenda ng braces o retainer. May pagkakataon na inooperahan para ayusin ang mga ngipin.

5. Laging magsipilyo ng ngipin para maiwasan ang pagkasira ng mga ito.

NGIPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with