^

PSN Opinyon

‘Persepsyon sa ‘aliwang’ pang-nasyunal’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA panahon ngayon hindi na malaman ng publiko kung sino ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo.

 Ito yung mga batuhang-putik ng sangkaterbang mga mababantot na pulitiko. Naglalabasan sa mga wala namang katorya-toryang balita sa telebisyon, radyo at dyaryo. 

Sa mga putik na ito, mahalagang hindi matsubibo at hindi lang dapat maaliw si Juan at Juana Dela Cruz.

Baka kasi sa paulit-paulit na mga naririnig nating basura sa ere, mapaniwala na tayo sa purong kasinu-ngalingan at ito na ang paniwalaan nating totoo.

May dalawang uri ng persepsyon. Persepsyong base sa naririnig lang at napapakinggan at persep­syong nakikita ng mismong sangkot at biktima base doon sa mga walang pakundangang kabalbalan at ka­walang-hiyaan.

Ganito ang nangyayari ngayon sa Senado. Mara-   ming mga nagsasalita, iniimbitahang resource person  na nagpapatotoo na hindi naman nagsasabi ng totoo.

Magkaiba kasi ‘yung nagsasabi ng totoo sa nagpa-patotoo sa kanilang mga hilaw na katotohanan.

Kaya nga natatawa ako doon sa inimbitahang testigo daw laban kay Senator Franklin Drilon. Nag-research daw muna sya sa Wikipedia bago humarap sa Senate hearing. Tsk...tsk!

 Laging paalala ng Bitag Live sa publiko, suriin at salaing mabuti ang inyong mga napapakinggan, nababasa at nakikita.

Baka kasi mababad kayo sa kasinungalingan at ito na ang maging basehan ng inyong persepsyon at paniwalaan.

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

 

ABANGAN

BITAG LIVE

DRILON

GANITO

JUANA DELA CRUZ

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with