^

PSN Opinyon

Bidding o negotiated ba sa CCTV’s ng NAIA 1, 2 at 4

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HALOS masuka ang ilang sumali sa pambabaka este mali pasubasta pala ng DOTC / MIAA na bumili ng ‘bidding documents’ sa presyong P50,000 or more para paglabanan at magpagalingan ng produkto regarding sa security gadget na gagamitin sa NAIA terminals 1’worst airport’, 2 at 4.

Sabi nga, CCTV’s na ilalagay sa mga lugar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napakataggal pinaghandaan ng mga bidder ang nasabing bidding process sa paliparan kaya naman umabot sa 39 bidders ang lumahok sa kantahan este mali subasta pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, papalit-palit ng specs sa bidding kaya matagal ang pinaghintay ng mga ito hanggang sa dumami ang sumali sa subasta.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa bidding na ito ay may dalawang hangal este mali heneral pala ang nagbitiw sa kanilang puesto na ang isa ay sinasabing tumanggap diumano ng P5 million sa isang kumpanya para paboran na manalo ito at ang isa ay umalis dahil hindi niya matiis ang ugali ng kanyang amo.

Ika nga, benggador? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, upgrading ang subasta pero lahat ng CCTV na luma na sa mga terminal ay papalitan kasama dito ang nasa ramp area.

Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umabot sa P480 million ang huling presyo ng subastahan pero ang nananalong lowest bidder ay disqualified at ibinigay ito sa second lowest bidder pero disqualified din kasi hindi daw sila pumasa sa post - disqualification review.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka may susunod pang pasubasta ang MIAA kaya lang mukhang ayaw na sumali sa iba sa mga bidder dito dahil sa tantiya nila ay ‘negotiated’ bidding na diumano ito.

Abangan.

Salmonella sa peanut butter

SANA mag-double time ang Food and Drug Administration sa babala nito laban sa pagkain ng ilang peanut butter products na kontaminado ng salmonella.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, basta peanut butter ay gustong - gusto itong kainin ng kabataan lalo’t kung almusal, merienda o baon nila sa school pero sa pambubuso este mali abiso pala ng FDA, ilang batches ng Arrowhead Mills Creamy Organic Peanut Butter at Arrowhead Mills Crunchy Organic Peanut Butter ay contaminated ng bacteria lalo’t yong may expiration date na Disyembre 2014 at Pebrero at Mayo 2015.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinaalis na ito sa display windows at tindahan na sinuplayan ng peanut butter dahil delikado ito sa madlang people na makaka-tsibog nito kasi maari siyang magkaroon ng typhoid fever at malason dahil sa salmon este mali salmonella pala.

Circulo del Mundo sa NAIA 3

SA wakas aalisin na ang Circulo del Mundo dyan sa rotonda ng Andrews Avenue na sagabal sa trapiko.

Sabi nga, hindi birong salapi ang ginugol dito para lamang ito itayo!

Ika nga, more or less P100 million ang nagastos para sa pagpapagawa nito at may premyo pa ang nanalong gumawa ng design.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa administrasyon ni Pangulong at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at si Alfonso Cusi ang MIAA manager ng ipinatayo nila ang Circulo del Mundo na hindi nila inisip kung gaanong kalaki ang magiging problema sa trapiko dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa desisyon pagtanggal dito ng Circulo del Mundo ay gagaan ang traffic todits plus magkakaroon ng malaking ginhawa sa mga motorista oras na matapos ang ginagawang ‘skyway.’

‘Magaling ang naisip ng DPWH dahil nakita nila na mali ang pagkakalagay sa Circulo del Mundo.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

ASSET

AYON

CIRCULO

KUWAGO

MISMO

MUNDO

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with