^

PSN Opinyon

Pitong buwan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINENTENSIYAHAN ng 36 na taong kulong ang kapitan ng Sewol ferry, na lumubog noong nakaraang Abril sa South Korea. Higit 300 tao ang namatay sa trahedya, halos 250 ay mga mag-aaral na patungo sa isang field trip. Ang parusang ipinataw sa kapitan ay dahil sa kanyang paglabag sa “seamen’s law”. Kitang-kita sa ilang mga litrato ang pagtalon ng kapitan sa isang lifeboat habang lumulubog ang ferry na naglalaman pa nang maraming pasahero. Sa madaling salita, inuna ang sariling kapakanan bago ang mga pasahero na kanyang responsibilidad. Ilang tauhan din ng Sewol ang nahatulan ng lima hanggang 20 taon. Napatunayan ng prosekyusyon na nakasama ang aksyon ng mga tauhan ng Sewol nang lumulubog na ang ferry, kaya marami ang namatay. Isa rito ay ang pag-abiso sa mga pasahero na huwag lumabas mula sa kani-kanilang silid kahit palubog na ang ferry.

Pero hindi natuwa ang mga kapamilya ng mga bikitma, karamihan mga magulang ng mga batang namatay. Kamatayan ang nais nilang parusa sa kapitan at ilan sa kanyang mga tauhan. Hindi ko sila masisisi sa kanilang matinding galit. Ang larawan kung saan inililigtas ng kapitan ang kanyang sarili habang namamatay na ang kanilang mga anak ay habambuhay nang nakaukit sa kanilang isipan.

Ang napuna ko sa kasong ito ay napakabilis ng imbestigasyon, pagsampa ng kaso, pagdinig sa kaso at paghatol na rin dito. Abril naganap ang trahedya. Halos eksaktong pitong buwan, nasentensiyahan na ang mga akusado. Pitong buwan lang ang hinintay ng mga kamag-anak ng mga namatay, kahit sabihin na nating hindi sila lubusang natuwa sa desisyon. Isang buwan pa lang mula ng trahedya, binuwag na ng Presidente ng South Korea ang kanilang Coast Guard dahil bigo raw sila sa pagsagip sa mga pasahero. Humingi pa ng dispensa mula sa lahat nang apektadong pamilya. Inako pa ang responsibilidad.

Dito sa atin, matagal magkaroon ng desisyon sa mga kaso. Taon ang binibilang, dekada pa nga. Ang dami nang trahedyang naganap na kapareho ng paglubog ng Sewol ferry. Mga pampasaherong barko na lumubog, mga ferry na lumubog, mga bus na nalalaglag sa mga bangin dahil sa pagiging pabaya sa sasakyan. May nahatulan na ba? May nakulong na ba? Nabigyan na ba ng hustisya ang mga kamag-anak ng mga biktima? Kung matutularan lang sana ng bansa ng sistema sa South Korea, marami sanang mga kaso ang mahahatulan kaagad, marami sana ang makakakamit ng hustiya. Pero ano ang nangyayari? Naghihintay at nagtitiis ang lahat.

ABRIL

COAST GUARD

DITO

FERRY

HIGIT

HUMINGI

PERO

SEWOL

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with