^

PSN Opinyon

Gunita sa mga pumanaw

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON po ang ating paggunita sa mga pumanaw. All Souls Day. Ayon sa liturhiya nating mga Kristiyano na kapag tumama ang Nobyembre 2 ng Linggo, lubusan nating gugunitain ang mga pumanaw.

Dito natin napapagtibay ang ating pananampalataya na ang ating kaluluwa ay walang kamatayan at handang panagutan ang takbo ng ating buhay sa mundong ibabaw. Ito ang ating pagpasok sa kabilang buhay. Ipinahayag sa atin sa Aklat ng Karunungan na “ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos, at di sila makararanas ng hirap. Sinabi pa sa Aklat ng Mangangaral na “ang lahat ng pangyayari sa daigdig na nagaganap sa panahon na itinakda ng Diyos. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng kamatayan … Ang tao’y binigyan niya ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula pasimula hanggang sa wakas.”

Ito ang pahayag sa atin ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma na tayo ay dapat mabuhay sa isang bagong pamumuhay. Makiisa tayo kay Hesus sa isang kamatayang tulad ng Kanyang kamatayan, upang makaisa Niya tayo katulad ng Kanyang muling pagkabuhay.

Ang pahayag ng Mangangaral ay dito ko laging ipinaaalaala sa aking misa para sa mga patay (Requiem Mass) na ito ang kabuuan ng takdang panahon. Siyam na buwan sa tiyan ng isang ina ang sanggol bago isilang; ganundin siyam na araw muna ang kaluluwa ng isang patay sa lupa bago ito maglakbay sa kabilang buhay.

Napakahalaga ng numero 9 sa Latin (official language) nating mga Katoliko. Ito ang Novena. Nueve sa Kastila, nine sa English at siyam sa Filipino. Pag-minultiply ang  9 sa ibang numero ay ito pa rin ang kabuuan: 9 x 2 = 18, 1 + 8 =9; 9 x 5=45, 4 + 5 = 9; 9 x 9 = 81, 8 + 1 = 9. para bang ganap na hindi nagbabago. Ito ang tinatawag nating novena. Lubusang paghahanda. Ito ang tunay na tinatawag na lucky 9, hindi ito ang numero ng inyong sugal na lucky nine.

Ito rin ang araw ng paalaala sa atin ni Hesus: “Halika, mga pinagpala ng aking Ama”. Ngayon ang araw ng ating panalangin sa Poong Maykapal na kaawaan at patawarin ang mga kasalanan sa mundong ibabaw. Reqiem aeternam dona eis Domine, requiescat in pace!

Karunungan 3:1-9; Salmo 102; Romans 6:3-9 at Mateo25:31-46

* * *

Happy birthday Classmate Roger Longcop at Christianel Lapid.

vuukle comment

AKLAT

ALL SOULS DAY

CHRISTIANEL LAPID

CLASSMATE ROGER LONGCOP

DIYOS

HESUS

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with