^

PSN Opinyon

SME sa mga SM AMBA’S

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

Maliban sa pagsasalaula sa mga karapatan ng mga manggagawa sa mga SM o shopping mall na nagpapairal ng mga kontratang 555, may maliliit rin na mga negosyante o small and medium entrepreneurs na hindi nakakaligtas sa mga hindi makatarungang patakaran na pinapairal  ng mga nagmamay-ari  ng mga shopping malls.

Ang ipinagpipilitan nilang buwanang upa ay ubod ng taas. Maliban sa malalaking upa, naniningil  pa sila ng 10% sa gross sales. Ang advanced rental payments at deposits ay ubod din ng laki. May bayad din sa common areas kuno, sa pest control at iba pa.  At may mga multa pa. Kapag nagbukas ng masyadong maaga, multa. Kapag nagsara ng late, multa. Kapag nakalimutang magpatay ng ilaw after shopping hours, multa.

Dahil sa limpak-limpak na kinikita ng mga nagmamay-ari ng shopping malls at sa liit ng mga sweldo at benepisyo ng mga manggagawa, at dahil sa hindi makatarungang halaga ng upa at iba pang mga mala – cacique  na paraan ng mga landlord sa shopping mall, lalong nagiging lugmok ang kalagayan ng mga manggagawa at mga SME habang ang mga employers o landlords nila ay ika nga “singing everyday as they go to the banks to deposit their huge profits” na galing sa pawis, dugo at luha ng uring manggagawa at ng mga small and medium entrepreneurs na kinabibilangan ng maraming OFWs.

Marami akong kaibigan OFWs na nagkaroon ng pwesto sa mga shopping malls ng mga Ayala, Araneta, Ortigas, Sy, Gokongwei, Lao Co, Gaisano at iba pa na nagsara na. Ang pamilya ko ay nagkaroon din ng coffee shop sa Robinsons na nagsara din. Samantala ang mga naninikil sa atin ay naging mga dollar billionaires na at ngayon ay mga kahilera na nina Bill Gates, Warren Buffet at mga Rockefellers sa listahan ng Forbes magazine as the World’s Richest.

Kaya sumasakit ang dibdib ko kapag ako ay kumakanta ng ating Pambansang  Awit, lalo na kapag umabot roon sa “sa manlulupig, hindi ka pasisiil” at “aming ligaya na pag may nang aapi, ang mamatay ng dahil sa iyo” . Ang saklap na nga ng kalagayan nating mga SME at mga manggagawa dahil sa halos walking dead na nga tayo samantalang walking away to the banks naman ang nanlulupig sa atin. Papaano pa tayong liligayang mamatay niyan? Bagamat hindi tayo colony ng Spain o Amerika, nagmistulang colony pa din tayo ng oligarkiya ngayon sa ating bansa.

Para magkaroon ng lunas ang lugmok na kalagayan natin, tayo ay sumali sa Respect Our Security of Employment (ROSE) Movement na mga samahan ng mga Cujjucomms as in contractual, underemployed, jobless, j.o’s underpaid, casuals, ofws, mangingisda, magsasaka at SME. Ang ROSE Movement ay isang mapayapang kilusan na ang hangarin ay palakasin ang uring manggagawa kasama ang mga SME para may counterweight sa mga unscrupulous employers at sa gobyerno para tayo ay mabigyan ng sapat na proteksyon.

Hinihimok ko ang lahat na sumali  sa  ROSE Movement. Magtext lamang  sa mga sumusunod: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa [email protected] at bisitahin ang Facebook page www.facebook.com/rosemovementph.

 

AMERIKA

BILL GATES

KAPAG

LAO CO

MALIBAN

RESPECT OUR SECURITY OF EMPLOYMENT

WARREN BUFFET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with