^

PSN Opinyon

Payola

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGUGULUHAN ang mga gambling lords sa Calabarzon area kung kanino ba talaga nila iaabot ang weekly payola nila para sa opisina ni DILG Sec. Mar Roxas. Matatandaan mga suki na itong Office of Internal Security (OIS) at Special Projects Division (SPD) ng DILG ay nagsagawa nang malawakang raid sa mga pasugalan o Oplan Pagpakilala sa Calabarzon at sa ngayon nga ay panahon na para maningil ng payola. Kaya lang hindi malaman ng mga gambling lords kung kanino iaabot ang payola dahil paiba-ibang tong collector ang ginagamit ng OIS at SPD. Kaya ang tanong ng mga gambling lords kay Roxas, sino ba talaga ang may basbas sa opisina mo pagdating sa weekly payola? Hehehe! Sagutin mo na Sec. Roxas Sir para mawala na ang sakit ng ulo ng mga gambling lords sa Calabarzon area. Sigurista rin ang gambling lords ano mga suki?

Sa unang sampa kasi ni Chief Supt. Danilo Pelisco, ang special assistant ni Roxas, ang unang ginamit niya ay si Capt Mike Blanco. Siyempre, nawala sa picture si Blanco at lumutang si Jun Milan. Di kalaunan, nagtatawag si Tony Ching na siya na raw ang may mando ng opisina ni Roxas. Nitong nagdaang mga araw, tawag din nang tawag sa mga gambling lords sina Jericho Medina at Rico Posadas na sila na ang tumatayong tong collector ng OIS at SPD, hehehe! Magulo talaga ano mga suki? Parang mga asong ulol ang mga tong collector na nag-aagawan sa pirasong buto. Pero sa totoo lang, kaya naman nagtagumpay ang mga raid ng OIS at SPD sa Calabarzon area dahil sa paggiya ni Ariel “Molly” Acuna. Totoo ba na nabili ni Acuna ang weekly payola ng opisina ni Roxas sa halagang P1 milyon?

Totoo rin ba na ang enkargado ng mga tong collector ng OIS at SPD ay si Atty. Alex Lopez? Hehehe! Kahit anong tago pa ang gagawin n’yo, mabubulgar din yan. At nabanggit ko na rin lang si Roxas, hinihiling ko sa kanya na isama sa lifestyle check ang mag-among PO2 Antolin “Jhong” Valera at Sr. Supt. Jireh Omega Fidel, ang provincial director ng Batangas. Para sa kaalaman mo Sec. Roxas, si Valera ang dahilan kung bakit naglipana ang pasugalan sa Batangas at kinukunsinti siya ni Fidel. Kapag nagkataon, ang mag-amo ang unang tatamaan sa lifestyle check ni Roxas na ayon sa kanya ay walang sasantuhin. Sa totoo lang, si Valera ay naka-assign sa intelligence ng PRO4-A at kaya ginamit ni Fidel ay para itago ang tong collection activities nilang mag-amo. Teka nga pala, bakit pinapayagan ni Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Gatchalian ang raket ng mag-among Fidel at Valera? Aba, baka madamay ka sa lifestyle check ni Roxas Gen. Gatchalian Sir? Kaya dapat sibakin ni Gatchalian si Valera at itapon sa Mindanao para hindi na madawit pa ang pangalan niya sa tong collection. Ano sa tingin n’yo mga suki? Abangan!

vuukle comment

ACUNA

ALEX LOPEZ

BATANGAS

CALABARZON

CAPT MIKE BLANCO

CHIEF SUPT

KAYA

ROXAS

VALERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with