^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagtaas ng krimen at presyo ngayong ‘ber’

Pilipino Star Ngayon

KAPAG nagkaroon ng “ber” sa kalendaryo, hindi lamang ang krimen ang tumataas kundi pati ang presyo ng mga bilihin. Ang dalawang ito ang mabibigat na “kalaban” ng mamamayan ngayong papalapit ang Kapaskuhan. At walang magawa ang pamahalaan kung paano mapuproteksiyunan ang mamamayan sa dalawang “salot”.

Kahapon, kinilala na ang mga taong nakunan ng video habang tinututukan ng baril ang mga nakasakay sa isang Fortuner habang nasa EDSA, Mandaluyong. Ayon sa report, siyam na pulis ang sangkot sa panunutok ng baril sa mga nakasakay sa SUV. Lumalabas na isang kaso ng kidnapping. Umano’y mga negosyante ang biktima at may dalang malaking halaga ng pera nang maganap ang pagkidnap. Isang kotse, isang van at isang motorsiklo ang ginamit ng mga kidnaper. Nabisto ang pangingidnap nang makunan ng retrato ang pangyayari. Naging viral sa internet. At saka lamang kumilos ang mga awtoridad para mag-imbestiga. Paano kung walang naglakas ng loob na kumuha ng photo at ini-upload sa social media?  Tiyak walang makukuhang hustisya at mananatiling sekreto ang pangyayari. Lalo pa’t mga pulis pala ang suspect. Kung may mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng panunutok, maaaring napigilan ang pangyayari. Pero ang problema nga’y walang pulis. May pulis, pero sila ang mga salarin!

Ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay nararamdaman na ngayong sumapit ang “ber” at tila walang nagmo-monitor sa nangyayaring ito. Hinahayaan na lamang na gumalaw ang presyo sa mga pamilihan. Ang ganitong panahon ang hinihintay ng mga “buwitreng negosyante”. Itinataas nila ang presyo (lalo na ang karne) para kumita nang malaki. Alam ng mga matatakaw na negosyante na paborito ang hamon at iba pang process foods para panghanda sa Pasko. Bukod sa karne, gumagalaw din ang iba pang produkto, gaya ng gatas at asukal.

Magkaroon sana ng paalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mamamayan na ma-ging mapagmatyag sa presyo at ireport sa kanila. Magkaroon sila ng hotline para madali silang makontak. Kawawa ang mamamayan kung hahayaang mabiktima ng mga buwitreng negosyante.

 

ALAM

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

FORTUNER

HINAHAYAAN

ISANG

MAGKAROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with