^

PSN Opinyon

‘Tigas ng panga’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

SA mga kwento ng ina nahulma ang mukha ng kanyang ama. Sa magagandang alaala nito napalitan ang dapat sana’y galit na ‘di imposibleng maramdaman ng isang batang inabandona sa edad pa lang na 8 taong gulang.

“Parehas ko silang mahal. Gusto ko si Mama at Papa kasama ko,” sagot ni ‘Piolo’ ng amin siyang tanungin kung kanino niya gusto sumama ‘pag dating ng panahong kailangan niya ng mamili.

CHA-RYEOT, Kyeong-nye… Jun-bi! (Attention, bow…ready!).

Sa Taekwondo class nagkakilala ang mag-asawang Kim at Arnel “Nel” Galo, parehong ‘black belter’.

“Nagkasama kami sa taekwondo, nagkasipaan pero pagtagal nagkapalagayan kami ng loob,” pagbabalik tanaw ni Kim.

Tubong San Andres Bukid, Manila si Kim. Panganay siya sa tatlong magkakapatid. May kaya ang kanilang pamilya. Dating ‘accountant’ sa ibang bansa ang kanyang ama habang Industrial Engineer naman ang ina niya.

Maayos man ang kanilang pamumuhay sa edad na 14 anyos naghiwalay na ang kanyang mga magulang. “Mahilig magsugal si Mama. Ang Papa naman nag-asawa na ng iba,” ani Kim.

Mula nun kung saan-saan na sila tumutuloy magkapatid. Natigil din siya sa pag-aaral ng Nursing ng tuluyan ng piliin ng ama ang bagong pamilya nito.

“Ako na nag-asikaso sa mga kapatid ko pero sa huli nagkawatak-watak din kami,” sabi ni Kim.

Lumipat sina Kim sa Angono, Rizal. Dito niya nakilala si Nel alyas ‘Bitoy’ dahil kamukha raw ni Michael V. --taga Brgy. Kalayaan.

Napadaan nun sa basketball court si Kim, nakita niyang may nag-iinsayo ng taekwondo kaya’t agad siyang lumapit sa ‘instructor’. “Magkano po bayad sa pagpapamiyembro,” ani Kim.

Mahilig si Kim sa ‘Marshall Arts’ kaya’t agad siyang sumali dito. Sa eskwelahan sila madalas nagpapraktis, sa tapat ng bahay ni Nel. Pareho ng pinagdadaanan si Nel at Kim sa kanilang pamilya. Naging sandalan nila ang isa’t-isa kaya mabilis silang nagkaroon ng relasyon. Ilang buwan makalipas nagsama na sila hanggang ikasal buwan ng Nobyembre 1999. Sumunod na taon, tumira sila sa bahay na namana ni Kim sa ama.

Parehong taon nagsimula ng lumabas ng bansa si Nel at nagtrabaho bilang Technician sa isang electronic company sa Jeddah.

Mula Jeddah, napadpad sa Abu Dhabi si Nel hanggang nitong huli sa Afghanistan naman siya napunta bilang Records/ Inventory Ma­nager. Sumasahod umano siya ng halagang 100 US dollars kada araw.

Taong 2005, nang mabuntis si Kim. Isinilang niya si ‘Piolo’ hindi tunay na pangalan. Kasabay ng pagkakaroon nila ng anak ang pagganda ng trabaho ni Nel. Umaabot sa Php80,000 ang padala niya kada buwan.

“Wala naman talaga kaming problema nun nagsimula na lang nung malaman niyang may sakit si Piolo,” ayon kay Kim.

Sanggol pa lang ang kanilang anak, meron na siyang G6OD, Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase Deficiency.  Isang uri ng sakit sa dugo kung saan kailangang bantayan ang pagbaba ng red blood cells.

Wala naman gamutang ginawa kay Piolo nun. Naging maselan lang ito sa kanyang mga kinakain. Nang malaman ito ni Nel reaksyon umano nito, “Ano ba yang sakit na yan…pang mayaman!”

 Apat na taon si Piolo ng nalaman naman ni Kim na meron siyang Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD). Napansin lang daw nila ito ng ipasok nila sa ‘nursery school’ itong si Piolo.

“Sobrang kulit niya. Wala siyang focus kaya pinayuhan ako ng titser niya na ipatingin siya,”  kwento ni Kim.

Sumailalim sa Child Development Test sa The Medical City si Piolo. Nakumpirmang meron nga siyang ADHD, kung saan nakakaranas ng pagiging hyper ang isang bata.

Sumailalim siya sa treatment sa loob ng isang taon. P3,500 ang bayad kada session. Umiinom din siya ng gamot na nagkakahalaga ng P200 isang tableta.

Pumasok sa Special Education (SPED) Class si Piolo. May kamahalan man, nasa Php50,000 ang tuition mas natutukan si Piolo sa kanyang pag-aaral.

Binalita niya kay Nel ang kundisyon ng anak. Mula raw nun napansin niyang mas naging  mas malayo ang loob nito sa kanila.

“Pinaliwanag ko kung anong pinagdadaanan ng anak namin. Na nagagamot naman ang ADHD pero parang sarado ang tenga niyang makinig,” pahayag ni Kim.

Nagsimula na rin daw mambabae ang mister, Tinatalo na nito ng cellphone sa kanyang pantalon.“Nung nakatulog siya kinuha ko cellphone niya sa ilalim ng unan. Nakita ko ang text, “TY sa date, sobrang memorable,” ani Kim.

Umamin daw si Nel at nangakong puputulin na ang namamagitan sa kanila.

Nagpabalik-balik ng Pinas at Afghanistan si Nel. Taong 2009, panahon ng Ondoy, umuwi ulit si Nel hindi akalain ni Kim na ito na ang huling pagkikita nilang mag-asawa.

“Wala na akong naging balita sa kanya. Nagpapadala pa rin siya pero mula sa P80,000 naging 12,000PHP na lang ang natatanggap ng anak ko. Kulang na kulang yun,” ani Kim.            

Sa ngayon, pinahinto na ni Kim ang anak sa pag-aaral. Inalis niya ito sa SPED subalit kapos pa rin ang pera niya panggastos kay Piolo. Kinakatakot ni Kim bigla na lang tumigil sa pagpapadala ang asawa kaya’t nagsadya siya sa amin.

Itinampok namin si Kim sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, marami na kaming kaso kung saan kayang talikuran ng magulang ang kanilang anak. Ang pagkakaiba dito ay natiis nitong lalaki na ipikit ang kanyang mga mata sa isang anak na may karamdaman. Ang dapat dito ay doble ang parusa ng lalaking ito. Biktima na nga si Piolo nakuha pa siyang tiisin ng kanyang sariling ama.

Kapag pinagpatuloy ni Nel na gipitin ang kanyang mag-ina. Maaari niyang kaharapin ang kasong Petition for Support. Binigyan na na­ming ng referral sa Public Attorney’s Office (PAO), Rizal si Kim para makapagsampa ng kaulang kaso. Iisa lang ang mensahe namin para sa kay Nel, ang tigas ng panga mo! 

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

ANAK

KANYANG

KIM

NEL

NIYA

PIOLO

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with