^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Masamang tanawin

Pilipino Star Ngayon

HINDI ba’t kapag kinukunan n’yo ng retrato ang isang tao at mayroong nahahagip na hindi magandang bagay ay naghahanap kayo ng paraan para hindi iyon mapasama. Natatakpan kasi ang subject at nasisira ang magandang view.

Ganito ang nangyayari ngayon kapag tinanaw ang monumento ng Pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa halip na nag-iisa ang monumento sa frame, mayroon nang background sa likod --- isang matayog ng condominium na para bang biglang itinirik at nakasira sa magandang tanawin. Ito ang Torre de Manila na sinimulan umanong gawin noon pang 2012. Inaprubahan umano ni dating Manila mayor Alfredo Lim ang konstruksiyon ng condo. Ngayong panahon ni Mayor Joseph Estrada tuluyan nang ipinagpatuloy ang condo. Mayroon daw itong pahintulot ng konseho ng Maynila. Sabi ni Estrada, makakatulong daw sa ekonomiya ng Maynila ang pagtatayo ng condo. Magkakaroon daw ng trabaho ang mga taga-Maynila. Malaki raw ang maitutulong nito sa mamamayan.

Unang tumutol sa pagtatayo ng condo ang tour guide at cultural acitivist na si David Celdran. Lumabag daw ang DMCI na may-ari ng condo. Nagsagawa ng online campaign si Celdran para mapigilan ang construction. Nagkaroon ng im-bestigasyon at napatunayang lumabag sa height restrictions ang may-ari ng condo. Liban doon, wala nang ibang nilabag ang DMCI na may kinalaman sa monumento ni Rizal.

Maaaring hindi na nga mapipigilan ang kontruksiyon ng condo lalo pa’t pumayag na si Estrada na ipagpatuloy ito. Ang tanging makapipigil na lang ay ang Malacañang. Kailangan, ngayon pa lamang ay kumilos na ang Malacañang sapagkat mahirap kung kailan tapos na ang condo saka kikilos.

Hindi sana nagkaganito kung sa una pa lamang ay tumutol na ang mga namumuno sa Maynila. Alam naman nila marahil na makasasama sa tanawin ang condo pero binigyan pa rin ng permiso. Kung walang makakapigil sa konstruksiyon ng condo, maaaring magsulputan pa ang iba at baka mas matatayog pa. Lalo nang sasama ang tanawin.

vuukle comment

ALAM

ALFREDO LIM

CELDRAN

CONDO

DAVID CELDRAN

DR. JOSE RIZAL

MALACA

MAYNILA

MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with