^

PSN Opinyon

May magic ba sa kuryente?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PATUTSADA ni Energy Secretary Jericho Petilla, kung ayaw ng madlang people na magkaroon ng brownout sa Philippines my Philippines sa susunod na mga taon lalo na sa ‘summertime blues’  este mali season pala ay dapat ngayon palang bigyan nang emergency power si P. Noy.

Marami tuloy mga kritiko ang nagtaasan ng kilay sa pahayag ni Petilla regarding sa kuryente.

Sabi nga, boooooooooo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins kaya magamit lamang ang kapangyarihan ibibigay kay P. Noy para pagtakpan ang issue sa DAP?

Sabi nga, ang pondo sa DAP ay inilaan sa kuryente?

Naku ha!

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Hinimay ng DBM at ibinalita sa madlang public kung saan-saan ginamit ang pondo sa DAP pero marami pa ring sira este mali kritiko pala ang hindi makapaniwala sa ulat ni DBM Secretary Butch Abad .

‘Bakit ba hindi sabihin kung saan talaga napunta ang pondo sa DAP para wala ng nagsa-salsa este mali nag - aalsa pala?

Sa ngayon,marami pang mga lugar ang walang suplay ng kur­yente matapos na umarangkada ang bangis ng Bagyong Glenda sa ilang probinsiya sa Philippines my Philippines pero sa tingin ng mga pa bright,bright nagamit lamang si Glenda ng mga power company para  magkaroon ng  mahabang araw ng brown out para makakuha ng reserve at  kalaunan ang naipon nilang kuryente ay ibenta sa mas mataas na presyo?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Hindi ba sabi ng ilang power company na maaaring magtaas ng singil sa kuryente dahil sa kakapusan ng suklay este supply pala?’

Bakit nga ba kap0s ang supply ngayon?

‘Bumagyo nga, Kamote kaya kapos ang supply’ sabi ng kuwa­gong SPO - 10 sa Crame

Last time around, nagsabay-sabay ang mga power company na isara pansamantala ang kanilang power supply dahil  kukumpunihin daw ang kanilang mga planta.

Bakit naman sabay sabay?

Hindi ba puede na isa-isa lang ang magba - bogged down para hindi apektado ang madlang people?

Gusto ba nila ito?

‘Ano ba meron diyan sa sabay sabay silang mag-rerehabilitate ng kanilang mga planta?’ Tanong ng kuwago Kamote.

Tanong may kitaan ba diyan? 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang usapin sa bigas iyan, sapat naman ang bigas sa Philippines my Philippines pero bakit patuloy ang pagtaas ng presyo nito?

Ang commercial rice ngayon hanggang P55 na ang kada kilo hindi na kaya ng salapi ng madlang people bilhin ito partikular ang mga mahihirap.

May hoarding din ba sa bigas?

Sagot - siempre Kamote.

Sabi nga ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, regarding sa mapagsamantalang mga negosiateng popol hindi bale nang may madlang people na walang makain bastat marami ang kanilang kikitain. Hehehe!

‘Naloko na!’

Abangan.

Kyusi CIDG - NCR dakma ang dalawang most wanted man

IBANG klase magtrabaho ang CIDG - NCR na nakatalaga dyan sa Kyusi dahil hindi ito pakaang-kaang at dedicated sa kanilang trabaho para pabanguhin at iaangat ang imahe ng Philippines National Police hindi katulad ng kanilang kabaro sa southern metro na walang inatupag kundi patungan diumano ang mga sugalan sa paligid?

Totoo ba ito Chief Inspector Nino, Sir?

“Kung hindi ka lang malakas kay Fahji dapat matagal ka nang sibak dyan?’ sabi ng kuwagong nagmamakaawa.

Kambiyo issue, last july 24 around 7:30pm dyan sa Claro M.  Recto St., Divisoria, Tondo, Manila manhunt team from QCCIDT - NCR CIDG sa pamumuno ni  PCI Wilfredro Sy, PSI Rito SabualaWSS CIDU - QCPD sa ilalim ni  PSI  Rogelio de Lumen, nakalawit nila sina Emil Calisa alyas Bangkay,

Ika nga,  by virtue of woa for murder with no bail recommended and frustrated murder with two hundred thousand bail recommended docketed under cc n. 11-172614-15 issued by Hon. Bernelito R. Fernandez of RTC branch No. 97 QC.

Si Bangkay, ay number 2 most wanted person sa Kyusi samantala naghihimas ng rehas ang number 8 most wanted person sa katauhan ni Reynaldo Canciller na nahuli ng mas maaga ng mga tauhan ni Sy.

‘Keep up the good work, Sir

ANO

BAKIT

KAMOTE

KYUSI

SABI

TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with