^

PSN Opinyon

Babala sa kulang na kuryente

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAIBALIK na ang kuryente sa buong Metro Manila matapos humagupit ang bagyong Glenda, pero wala pa rin sa mga lugar na masamang tinamaan ng bagyong Glenda. Sa Bicol ay ilang araw pa ang kailangan para maibalik sa lahat ng kuryente. At kahit maibalik na ang kuryente, may babala naman ang gobyerno na manipis na talaga ang suplay ng kuryente sa Luzon. Ayon sa Department of Energy  (DOE), baka kapusin na raw ang kuryente sa Luzon sa kalagitnaan ng 2015. Wala nang isang taon iyan. Kung hindi pa maaagapan ang problema, babalik na naman ang rotating brownouts pagsapit ng tag-init sa susunod na taon. Hindi ko maisip kung gaano kahirap iyan para sa marami, lalo na’t painit nang painit sa bawat taong dumadaan.

Kaya ngayon pa lang ay nananawagan ang ilang sektor, lalo na mga negosyante na hanapan na ng solusyon ang problema. Paano nga naman tatakbo nang maayos ang negosyo at industriya kung walang kuryente? Gumaganda nga ang ekonomiya ng bansa pero nakasalalay rin ito sa sapat na suplay ng kuryente. Kapag natuloy ang kakulangan ng kuryente, maaantala ang programa ng kaunlaran ng Aquino administration.

Masyado nang luma ang mga power plant ng Luzon, na madalas ay kailangang idaan sa tinatawag na preventive maintenance shutdown para hindi tuluyang masira. Kaya kailangan ang mga brownout dahil hindi lahat mabibigyan ng kuryente. Dinaanan ko ang napakahirap na panahon noong 1993 at 1994 kung saan araw-araw ang brownout sa Metro Manila. Mahirap magtrabaho at magpahinga. Kalbaryo naman sa mga lugar na gabi ang schedule ng walang kuryente.

Marami na talagang luma sa Metro Manila. Mga planta ng kuryente, NAIA Terminal 1, mga tren ng MRT/LRT, mga ospital at iba pa. Hindi kasi naa-lagaan dahil ilang administrasyon ay iba ang inatupag. Kung noon pa lang ay napunta ang pera ng bayan sa pagsasaayos ng mga ito, wala na sanang problema ang Luzon, lalo na ang Metro Manila.

 

AQUINO

AYON

DEPARTMENT OF ENERGY

GLENDA

KAYA

KURYENTE

LUZON

METRO MANILA

SA BICOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with