Mabuhay ang HSWs sa Singapore
BINATIKOS ko ang Singapore sa mga nakaraang column dahil sa pagsawalangkibo sa kawalanghiyaan ng ilang Singapore based recruitment agencies na nagdi-display ng mga kababaihan kasama ang ating mga kababayan sa mga estante ng shopping malls na nag-aalok sa kanila at “discounted price”.
Binalaan ko ang DFA at DOLE na iprotesta ito kung hindi, ang OFW Family Party-List ay magsasampa ng kaso sa ILO at UN laban sa Singapore for human trafficking at slavery.
Salamat naman at umaksyon ang DOLE ng Singapore. Ayon sa isang report ng Agence France Press, nag-warning ang DOLE ng Singapore ng cancellation ng permits ng employment agencies nila dahil sa “undignified advertising following complaints by rights groups”.
Anang DOLE ng Singapore: “Advertisement which emphasize cheap fees and discounts give the impression that FDWs or Foreign Domestic Workers are being marketed as merchandize”.
Ito rin ang sinabi ko sa aking kolumn na our kababa-yans are not chattels and/or goods and needless to say not within the commerce of man.
Natuwa rin ako at ang tawag pala ng Singapore sa mga kasambahay roon ay FDWs hindi DHs na parang nagkaroon nang medyo degrading na meaning kaya ang tawag ko sa kanila sa aking column ay HSWs (Household Service Workers) dahil mas may class at dignidad ang kanilang dating. Hindi lamang kasi magaganda at matatalino ang mga Pilipina, sila ay mga disente at may dignidad sa kilos at gawa maging sila man ay nurse, doctor, sales girl o HSWs.
Mabuhay ang HSWs!
* * *
Please visit our OFW Family Club Facebook page at www.facebook.com/ofwfc and my personal Facebook page at www.facebook.com/amba.seneres
- Latest