Binhi ng Maykapal
INIHALINTULAD ng Panginoon sa Kanyang Salita ang pagpatak ng ulan at pagdaloy ng niyebe sa lupa na pandilig sa ating buhay. Tutubo ang Salita ng Diyos at mamumunga ng sagana sa ating puso’t isipan. Nagbunga nang masagana binhi sa mabuting lupa.
Ang Salita ng Diyos ay katulad ng mga binhing inihasik ng magsasaka. May binhing nalaglag sa tabi ng daan at tinuka ng ibon. May nalaglag sa batuhan na sumibol kaagad sa manipis na lupa at natuyo sa init ng araw. May nalaglag sa dawagan at sinakal ang uhay. At may binhing nalaglag sa mabuting lupa at nagbunga nang maraming butil.
Ang talinghaga sa binhi ay nagbibigay nang mara- ming kahulugan sa ating buhay. Ang Diyos ay naghahasik sa atin ng binhi ng pag-asa, pagkakataon at ligaya. Ito ang mga biyaya ng Diyos na hindi natin akalain na magaganap sa ating buhay. Para bang sinasabi natin: “Ang suwerte ko naman”. Hindi po ito suwerte. Ito ang plano ng Diyos sa atin, kaya huwag natin itong pababayaan.
Ikalawa, ito’y binhi ng Salita ng Diyos na nagpapa-alaala sa atin ng Kanyang liwanag. Basahin natin tuwina ang Bibliya na magbibigay sa atin ng turo at aral sa buhay. Ito ang nagbibigay sa atin ng liwanag ng Espiritu Santo. Ang ikatatlong binhi ay nakatanim sa ating isipan upang palagi tayong makipag-ugnayan sa Panginoon. Kausapin natin Siya, purihin, pasalamatan at humingi ng kapatawaran. Sa pamamagitan nito, mapapakinggan natin ang Kanyang Salita na magtuturo sa atin ng mga plano Niya sa ating buhay.
Ang panalangin ay isang paraan upang makipagniig tayo sa Kanya sa bawat sandali ng ating buhay. Every moment, every minute and everywhere is the time of our conversation with God. Nakikinig tuwina ang Diyos sa ating panalangin.
Isaac 55:10-11; Salmo 64; Roma 8:18-23 at Mateo 3:1-23
* * *
Happy birthday kay Rev. Fr. Eugene D. Tungol ng San Francisco, California. Ipanalangin po ninyo ako bukas sa aking birthday.
- Latest