^

PSN Opinyon

Hindi na talaga mahihinto

K KA L ANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang sa De La Salle-College of St. Benilde(CSB) may mga fraternity na lumalabag sa batas. Hindi lang sila ang nasa balita ngayon. Pati ang University of the Philippines, ang tinaguriang unibersidad ng mga “iskolar ng bayan” ay may fraternity na lumalabag rin sa Anti-Hazing Law. Patunay na wala sa paaralan ang maaayos na estudyante, nasa tao talaga. Kahit sa mga “iskolar ng bayan” ay may mga kriminal ng lipunan.

Sinuspindi ang tatlong mataas na opisyal ng Upsilon Sigma Phi fraternity ng UP, dahil sa ginanap nilang ha-zing kung saan malubhang napinsala ang isa sa mga neophytes nito. Dinala sa ospital ang nasabing neophyte. Kung hindi raw nadala sa ospital, malamang ay namatay rin siya tulad ni Guillo Cesar Servando ng CSB. Desidido ang pamilya ng nasaktan kasuhan ang mga nasa likod ng hazing, kahit tila ayaw pang pumayag ng muntikang namatay na neophyte. Para sa kanya, mas mahalaga pa ang maging miyembro ng Upsilon, kaysa kasuhan sila para sa ginawang matinding pambubugbog. Ewan ko kung bakit ganito mag-isip. Iskolar ng bayan iyan.

Pero alam ng lahat na hindi biro ang Upsilon, isa sa pinakamatagal na fraternity sa Pilipinas. Mga alumni nito ay mga makapangyarihang tao na sa gobyerno, sa hudikatura, sa industriya at sa negosyo maging sa edukasyon. Siguradong kapit-bisig na sila para proteksyunan ang kanilang mga brod. Ilang beses na ring nasangkot ang Upsilon sa masamang hazing, pero wala pa yata akong naririnig na may nakulong, o may pinatalsik mula sa unibersidad. Kahit ilang mga matataas na opisyal ng UP ay mga miyembro ng Upsilon. Kaya pati sila ay makakabangga ng pamilya ng biktima.

Hindi na talaga mahihinto ang hazing sa Pilipinas, kung hindi rin kikilos ang gobyerno para puksain ito. Kailangan bakal na kamay na ang gamitin sa mga fraternity na tuluyang gumaganap pa rin ng hazing. Wala talaga silang takot kahit may mapatay pa. Wala talaga, dahil napakalakas ng kanilang mga padrino. Alam na malulusutan nila ang lahat ng kaso, lahat ng parusa. Tinatawanan lang ang mga otoridad, pati na rin mga nabubugbog at napapatay nila. Hihintayin lang lumamig ang isyu at mabaon muli sa limot, bago humanap muli ng mga pwedeng hampasin, bugbugin. Masasabi ko rin na kahit ganito na nga ang realidad sa mga fraternity, meron pa ring mga gustong sumali. Sila na rin ang dapat sisihin kapag may mangyari sa kanilang masama. Ang laging kawawa ay mga magulang na walang kamalay-malay sa sinasalihan nilang kalokohan. Mababalitaan na lang na malubhang nasaktan, o namatay na. Mababalitaan kapag huli na ang lahat.

ANTI-HAZING LAW

COLLEGE OF ST. BENILDE

GUILLO CESAR SERVANDO

KAHIT

MABABALITAAN

PILIPINAS

RIN

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

UPSILON SIGMA PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with