Mataas na unemployment rate
KAMAKAILAN, naglabas ng report ang International Labor Organization (ILO) kung saan ay naitala ang pinakamataas na unemployment rate sa Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa nito sa Timog-Silangang Asya.
Base sa ulat, nagtala ang Pilipinas ng 7.3% unemployment rate noong nagdaang taon, na pinakamataas sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Kasunod ng Pilipinas ang Indonesia na may 6% unemployment rate, at sinundan ito ng Brunei (3.7%); Burma (3.5%); Malaysia (3.2%); SingaÂpore (3.1%); at Vietnam (2.9%).
Nakapagtala naman ng pinakamababang unem-ployment rate ang Laos (1.4%); Thailand (0.8%); at CamÂbodia (0.3%).
Ayon sa ILO, sa nakalipas na panahon mula noong 2005 ay halos hindi nabago ang unemployment rate ng Pilipinas na naglalaro sa 7 hanggang 8 porsyento. Mula rin umano noong 2010 ay nanatili ang Pilipinas na may pinakamataas na unemployment rate sa rehiyon.
Matatandaang sinabi naman ng Department of Labor and Employment (DoLE) na pinaiigting nito ang mga programa upang matugunan ang problema sa kabuhayan at trabaho. Pinalakas na rin umano ng pamahalaan ang pagtutugma ng mga kaalaman at kakayahan ng manggagawa sa mga bakanteng trabaho o job-skill matching.
Ipinupursige rin umano ng ahensya ang pagpapala- kas ng agrikultura upang matugunan ang mataas na bilang ng mga walang trabaho sa nasabing sektor laluna’t kinikilala umano ng pamahalaan ang agrikultura bilang napakahalagang sektor ng ekonomiya kung saan ay umaasa at nakikinabang ang malaking porsiyento ng mga manggagawa, partikular sa mga probinsya.
Kaugnay nito ay napagkuwentuhan namin ni Sen. JingÂgoy Ejercito Estrada ang pangangailangang paigtingin pa ng pamahalaan ang job generation measures.
Aniya, nananatiling malaking hamon sa pamahalaan ang paglikha ng mas maraming trabaho para sa manggagawa. Nawa ay magtagumpay ang kasalukuyang administrasyon na makalikha ng mas marami pang disente at pangmatagalang trabaho para sa mga manggagawa na magiging susi sa pag-unlad ng kanilang buhay at sa pag-unlad din ng buong bansa.
- Latest